Kasu-kasuan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kasu-kasuan o kasukasuan (Ingles: joint) ay ang lokasyon ng sugpungan, sugpong, hugpong, hugpungan, palahugpungan[1] o datigan[2] kung saan dalawa o higit pang bilang ng mga buto ang nagduduop, nagkakadikit, o nag-uugnayan.[3] Binuo silang nagpapahintulot ng galaw at nagbibigay ng suportang mekanikal, at kinaklasipika ayon sa kayarian o istruktura at ayon sa tungkulin o punksiyon.[4]

Klasipikasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Paglalarawang iginuhit ng isang diskong interbertebral, isang kasu-kasuang mabutong-mura.
Paglalarawang iginuhit ng isang kasu-kasuang sinobyal (diartrosis).

Pangunahing pinagtitipun-tipon ang mga kasu-kasuan batay sa kayarian at tungkulin. Ang pangkayariang klasipikasyon ay napag-aalaman sa pamamagitan ng kung paanong dumirikit sa bawat isa ang mga buto. Samantala, nalalaman naman ang klasipikasyong pangtungkulin sa pamamagitan ng antas ng galaw sa pagitan ng mga butong nagsasagawa ng artikulasyon (tinatawag ding artikulasyon ang kasu-kasuan). Sa pagsasagawa, mayroong pagkakapatung-patong sa pagitan ng dalawang mga uri ng mga klasipikasyon.

Klasipikasyong pangkayarian[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinapangalanan at hinahati sa klasipikasyong istruktural ang mga kasu-kasuan ayon sa kung paano kumakabit ang mga buto sa bawat isa.[5] Mayroong tatlong pangkayariang pagpapangkat ang mga kasu-kasuan:

Klasipikasyong punksiyonal[baguhin | baguhin ang batayan]

Maaari ring pagpangkat-pangkatin ang mga kasu-kasuan ayon sa tungkulin ng mga ito, sa pamamagitan ng degri o antas ng mobilidad o paggalaw na pinapahintulot ng mga ito:[6]

Klasipikasyong biyomekanikal[baguhin | baguhin ang batayan]

Maaari ring iklasipika ang mga kasu-kasuan batay sa kanilang anatomiya o sa kanilang mga pag-aaring katangiang biyomekanikal. Ayon sa klasipikasyong anatomikal, nahahati ang mga kasu-kasuan ayon sa payak at tambalan, depende sa bilang ng mga butong kasangkot, at sa mga kasu-kasuang salasalabat at pinagsama (tinatawag ding kumbinasyon o palakipan):[8]

  1. Kasu-kasuang payak: 2 kalatagan ng artikulasyon (halimbawa: kasu-kasuang pambalikat, kasu-kasuan ng balakang)
  2. Kasu-kasuang tambalan: 3 o mahigit pang kalatagan ng artikulasyon (halimbawa: kasu-kasuang radyokarpal)
  3. Kasu-kasuang salasalabatt: 2 o mahigit pang kalatagan ng artikulasyon at isang diskong artikular o meniskus (halimbawa: kasu-kasuang pangtuhod)

Klasipikasyong anatomikal[baguhin | baguhin ang batayan]

Pang-anatomiyang mapagtitipun-tipon ang mga kasu-kasuan ayon sa sumusunod na mga pangkat:

  1. Mga artikulasyon ng kamay
  2. Mga kasu-kasuan ng siko
  3. Mga kasu-kasuan ng galang-galangan
  4. Mga artikulasyon ng kili-kili
  5. Mga kasu-kasuang isternoklabikular
  6. Mga artikulasyong panggulugod
  7. Mga kasu-kasuang temporomandibular
  8. Mga kasu-kasuang sakro-iliak
  9. Mga kasu-kasuang pambalakang
  10. Mga kasu-kasuan ng tuhod
  11. Mga artikulasyon ng paa

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Joint, articulation". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. joint, pinagdatigan, lingvozone.com
  3. Joint sa eMedicine Dictionary[patay na kawing]
  4. Ellis, Harold; Susan Standring; Gray, Henry David (2005). Gray's anatomy: the anatomical basis of clinical practice. St. Louis, Mo: Elsevier Churchill Livingstone. pp. 38. ISBN 0-443-07168-3. 
  5. "Introduction to Joints (3)". anatomy.med.umich.edu. http://anatomy.med.umich.edu/modules/joints_module/joints_03.html. Hinango noong 2008-01-29. 
  6. "Introduction to Joints (2)". anatomy.med.umich.edu. http://anatomy.med.umich.edu/modules/joints_module/joints_02.html. Hinango noong 2008-01-29. 
  7. synovial joint sa Dorland's Medical Dictionary
  8. "Introductory Anatomy: Joints". http://www.leeds.ac.uk/chb/lectures/anatomy4.html. Hinango noong 2008-01-29.