Kategorya:Mapa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang artikulong Mapa.

Ang mapa ay isang dalawang-dimensiyon (two-dimensional) na paglalarawan o representasyon ng mga kalatagan ng daigdig, pinapakita nito ang distansiya, direksiyon at sukat ng mga lugar, kabundukan, karagatan at iba pang mga bumubuo sa daigdig. Ito ay nakaguhit sa isang lapat na papel na may sukat na depende sa laki ng mapa. Ang mga elemento ng isang mapa ay ang mga sumusunod: iskala (scale), legend, pangalan ng lugar/mapa, direksiyon (north arrow), may akda ng mapa o kartograper, klase ng projection at petsa kung kailan ito ginawa at nilimbag.

Hindi pinapakita ng mapa ang eksaktong larawan ng daigdig, ito ay gumagamit ng mga simbolo bilang representasyon ng mga elemento na bumubuo sa isang kalatagan.Ang mga simbolo na ginagamit para maging representasyon ng mga bagay sa mapa ay ang linya, polygon at tuldok. Ang mga linya ay ginagamit bilang representasyon ng mga ilog, kalsada o daan, hangganan ng mga teritoryo, at nagpapakita ng sukat at taas ng isang bundok o lupa (contour lines). Ang mga polygon naman ay ginagamit bilang representasyon ng isang lugar--probinsiya o bansa; ginagamit din ito para bilang representasyon sa mga kabahayan at establisyimento sa isang lugar. At ang panghuling elemento na ginagamit sa pagbuo ng mapa ay ang mga tuldok (points), ito ay ginagamit para ipakita kung saan ang lokasyon ng isang lugar (kapital, siyudad,probinsiya), ipinapakita din nito kung saan maaaring makita ang isang bagay, ginagamit din ito para ipakita ang distribusyon at konsentrasyon ng isang bagay o pangyayari.

Ang mga halimbawa ng mapa ay ang mga sumusunod: Mapa ng Topograpiya (Topographic maps), Mapa ng Heolohiya (Geologic Maps), Mapa ng Bioheograpiya (Biogeographic Maps), Mapa Pangkalikasan (Environmental Maps), nautical maps, Mapa ng Klima (Climatic Maps), Mapang Pang-ekonomiya, Politikal na Mapa (Political Maps), Mapa ng mga Kalye (Road Maps)at Pisikal na Mapa (Physical Maps). Ang mga mapang ito ay ginagamit upang mas maunawaan ang mga pangyayari sa iba't ibang parte ng mundo; pinapadali din ng mga mapa ang paglalakbay sa iba't ibang sulok ng daigdig; at higit sa lahat nakakatulong ang mga mapa sa pag-aaral ng mga penomenon na nangyayari sa loob ng daigdig.

Mga subkategorya

Mayroon lamang ang kategoryang ito ng sumusunod na subkategorya.

M

Mga artikulo sa kategorya na "Mapa"

Ang sumusunod na 2 pahina ay nasa kategoryang ito, sa kabuuang 2.