Kepler-37b

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kepler-37b
Kepler-37 exoplanets
Pagkatuklas[1]
Natuklasan noong 20 Pebrero 2013[1]
Kaparaanang ginamit sa pagkakatuklas Transit
Semi-major axis 0.1003 AU[2]
Orbital period 13.37 d[3]
Inklinasyon 88.63°[3]
Mga katangiang pisikal
Mean radius 0.303 R⊕[3]
Temperatura 700 K[2]

Ang Kepler-37b ay isang eksoplanetang umoorbit sa Kepler-37 na nasa loob ng konstelasyon ng Lyra. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamaliit na eksoplanetang natuklasan na, na mayroong isang masang bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig.[4]

Pisikal na kaanyuan[baguhin]

Ang planeta, na mayroong 210 sinag-taon ang layo sa Mundo,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa Buwan ng Daigdig, na may dayametrong 3,900 kilometres (2,400 mi).[6] Sinabi ng NASA na maaaring walang atmospera ang planetang ito at hindi kayang suportahan ang buhay.[2] Sinasabi rin na binubuo ito ng mabatong lupain.[2] Dahil sa maikling distansiya nito sa kanyang bituin, ang temperatura ng planeta ay maaaring umabot sa 425 °C (800 °F).[2]

Pagkatuklas[baguhin]

Ang Kepler-37b, na kasama ang dalawa pang ibang mga planeta, ang Kepler-37c at ang Kepler-37d, ay natuklasan ng teleskopyong pangkalawakang Kepler, na nagmamasid ng mga pagdaan ng mga bituin.[1][2] Upang makakuha ng tumpak na sukat ng planeta, kailangang ihambing ito ng mga astronomo sa sukat ng magulang na bituin, na ginawa nila sa pamamagitan ng mga alon ng tunog.[2] Ang prosesong ito ay tinatawag na astroseismolohiya, at ang Kepler-37 ay pinakamaliit na bituin na pinag-aralan sa pamamagitan ng prosesong ito.[2] Ang mga pag-aaral na ito ay nakapagpahintulot na makuha ang sukat ng planeta na mayroong "lubos na katumpakan".[2] Sa kasalukuyan, ang planetang ito ang pinakamaliit na natuklasan na nasa labas ng sistemang solar (sistema ng araw).[4] Ang katotohanan na natuklasan ang planetang katulad ng Kepler-37b ay nagmumungkahi, ayon kay Jack Lissauer, isang siyentipiko na nasa AMES Research Center (Sentro ng Pananaliksik ng AMES) ng NASA, na ang ganitong mga planeta ay pangkaraniwan.[2]

Mga katangian[baguhin]

Ang planeta, na may layo na humigit-kumulang sa 210 mga taon ng liwanag magmula sa Daigdig,[5] ay bahagyang mas malaki kaysa sa buwan ng Daigdig, na mayroong diyametrong humigit-kumulang sa 2400 mga milya.[6] Sinabi ng NASA na pinakamarahil na ang planeta ay walang atmospero at hindi maaaring makapagsuporta ng buhay.[2] Bilang karagdagan pa, ang planeta ay malamang na binubuo ng mga materyal na mabato.[2] Dahil sa pagiging pinakamalapit ng planetang ito sa kaniyang bituing magulang, ang Kepler-37b ay mayroong orbito na humigit-kumulang sa 13 mga araw.[4] Gayon din, dahil sa layo nito mula sa bituin nito, ang karaniwang temperatura ng bituin ay tinatayang nasa humigit-kumulang sa 800 degring Fahrenheit, o humigit-kumulang sa 700 Kelvin.[2]

Mga sanggunian[baguhin]



Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.