Pumunta sa nilalaman

Kim Idol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kim Idol
Kapanganakan
Michael Argente

30 Marso 1979(1979-03-30)
Kamatayan13 Hulyo 2020(2020-07-13) (edad 41)
Ibang pangalanKim, Kim Idol
TrabahoAktor, punong abala, komedyante
Aktibong taon2003–2020


Si Kim Idol ay isang artista sa Pilipinas.

Siya ay ipinanganak noong Marso 30, 1979 kina Nestor Eusebio Argente at Maria Carranza Taniegra. Ang totoo niyang pangalan ay Michael Argente. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Siya ay tubong Sta Ana, Maynila.

Bukod sa pagiging co-host ng Eat Bulaga, si Kim Idol ay nagsusulat din ng mga materyal para sa mga sikat na komedyante ng Pilipinas gaya ng show na Poohkwang, Da Spooftacular Showdown at My Poohlish Heart kung saan siya rin ang Director, nagconceptualize at nagsulat nito. Pinalabas ang mga ito sa Music Museum at ito ay produced ng ASAP XV ng ABS-CBN.

Bukod sa araw-araw na paglabas sa telebisyon, gabi-gabi rin siyang nagtatanghal sa mga comedy bar sa Pilipinas, katunayan niyan siya ang pinakabatang Golden Book Awardee ng The Library, ang kaisa-isang Sing-Along bar na nagbibigay ng parangal sa mga Sing-Along Master sa Pilipinas. Nakamit niya ang "Entertainer of the Year 2004".

Hindi pa man siya artista, halos nalibot na ni Kim Idol ang mundo. Noong 2005 siya ay lumipad patungong Europa isinama siya ng nag-iisang Concert Queen ng Pilipinas na si Pops Fernandez upang magtanghal sa Vienna Austria, Milano Italya,Copenhagen Denmark,Stockholm Sweden at Munich Germany. Noong 2007 naman, bumalik siyang kasama si Sarah Geronimo at Mark Bautista. Siya ay nakapagtanghal narin sa Gitnang Silangan at ilang mga bansa sa Asya maging sa Australia (Melbourne at Sydney).

Stage Shows'

TV Shows'

Movies'