Kirby Ann Basken

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Kirby Ann Basken ay ipinanganak sa Lørenskog, Norway noong ika-12 ng Agosto 1985. Siya'y anak ng isang Pilipinang mula sa Laguna at isang Norwego. Bago siya naging Reyna ng Kagandahan sa Norway noong ika-9 ng April 2007, siya'y naging Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International muna dito sa Pilipinas noong Hunyo 2006. Naging "Miss Photogenic" at Olympus "New Face of the Year" din si Kirby sa Norway. Sa Mutya ng Pilipinas naman ay nanalo din siya ng Best in Evening Gown, Best Skin at Mutya ng PIHA. Siya'y inilaban ng Pilipinas sa Miss Intercontinental sa Nassau, Bahamas noong Oktubre 2006 kung saan siya'y napabilang sa 12 finalista. Noong Mayo 2007 siya'y inilaban naman ng Norway sa Miss Universe sa Mexico. Si Kirby ang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng titulo ng kagandahan sa dalawang bansa sa loob ng isang taon.

Si Kirby ay isang modelo. Nagtrabaho din siyang TV-host sa Sonen at radio-host sa isang programang pangkabataan sa Tinig Pinoy sa Norway. Siya'y kabilang sa listahan ng Starmometer na isa sa 100 pinakamagandang babae sa Pilipinas sa taong 2007. Si Kirby ay lumabas din sa iba't ibang magasin sa Pilipinas kagaya ng Mod, Metro, Candy, Chalk, Cosmopolitan at People Asia. Sa Norway naman ay lumabas siya sa mga magasin kagaya ng Cosmopolitan, Se & Hør, Her og Nå, og Mag. Nasa cover din siya ng FHM Norway at napabilang din siya na isa sa 58 pinakamagandang babae sa buong mundo sa taunang isyu ng FHM "The Girls of FHM 2007". Hinirang din si Kirby na isa sa 33 pinakamagandang babae sa Norway ng Elle Mann magasin noong Desyembre 2007. Si Kirby ay mapapanood din sa mga patalastas sa TV sa Pilipinas. Si Kirby ay mapapanood din sa Deal or no deal sa Norway na magsisimula sa Enero 2008.