Kiyawa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hydatidiform mole
Klasipikasyon at panlabas na mga napagkunan
Histopathogic na larawan ng hydatidiform mole (complete type). H & E stain.
ICD-10 O01., D39.2
ICD-9 630
ICD-O: M9100/0
OMIM 231090
DiseasesDB 6097
MedlinePlus 000909
eMedicine med/1047 med/866
MeSH D006828
Hydatidiform mole sa CT, sagittal na tanaw
Hydatidiform mole sa CT, axial na tanaw

Ang kiyawa o hydatidiform mole ay isang abnormal na pagdadalang-tao o pagbubuntis kung saan natatanim sa bahay-bata ang bugók na napunlaang itlog na di-magpapatuloy na mabuô.

Likas na kasaysayan[baguhin]

Ang kiyawa ay isang pagbubuntis/conceptus kung saan ang inunan ay nagtataglay ng mala-ubas na vesicles (maliliit na sacs) na karaniwang makikita ng hubad na mga mata. Ang mga vesicle ay lumulutang dahil sa distention o pamamagà ng chorionic villi sanhi ng fluid. Kapag tinignan sa mikroskopyo, mapapansin ang hyperplasia ng trophoblastic tissue. Kung hindi ito magagamot, tiyak na mauuwi sa pagkakunan ang hydatidiform mole.

Ayon sa morpolohiya, ang mga hydatidifom moles ay nahahati sa dalawang uri: sa complete mole, lahat ng chorionic villi ay vesicular at di-makikitaan ng anumang development ang embryo o fetus. Sa mga partial mole ang ilang villi ay vesicular, ang ilan naman ay mukhang normal at makikitaan ng development ang embryo o fetus, ngunit hindi na ito magpapatuloy mabuo.

Karaniwang kumplikasyon ng pagbubuntis ang mga hydatidiform mole, malimit nagkakaroon ang isa sa bawat 1,000 pagbubuntis sa Estados Unidos, higit namang mataas ang antas sa Asya (gaya ng hanggang isa sa bawat 100 pagbubuntis sa Indonesia).[1]

Sa mangilan-ngilang kaso ang hydatidiform mole ay maaring sumabay sa isang normal at mabubuhay na fetus, dahil ito sa pagkakambal. Naglalaman ang bahay-bata ng dalawang conceptus: isang abnormal na inunan na di-mabubuhay ang fetus (kiyawa), at isang normal na inunan na may mabubuhay na fetus. Sa masusing pagsubaybay posibleng ianak ng babae ang normal na bata at mapagaling sa kiyawa.[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Di Cintio E, Parazzini F, Rosa C, Chatenoud L, Benzi G (1997). "The epidemiology of gestational trophoblastic disease". Gen Diagn Pathol 143 (2-3): 103–8. PMID 9443567. 
  2. Sebire NJ, Foskett M, Paradinas FJ, et al. (June 2002). "Outcome of twin pregnancies with complete hydatidiform mole and healthy co-twin". Lancet 359 (9324): 2165–6. doi:10.1016/S0140-6736(02)09085-2. PMID 12090984.