Klaustropobya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang klaustropobya (mula sa Ingles na claustrophobia) ay ang hindi angkop na pagkatakot at pagkabalisa kapag nasa loob ng isang nakasarang mga lugar o espasyo, partikular na kapag nag-iisa lamang.[1] Sa ganitong pagkatakot, mayroong sobra, abnormal, at hindi makatwirang takot sa mga kulong, kulob o saradong pook.[2] Kabaligtaran ito ng kalagayang agorapobya. Makikita ang dalawang sakit na ito sa sikoneuroses.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Paghahambing ng agoraphobia at claustrophobia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 22.
  2. Gaboy, Luciano L.. "Claustrophobic". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


KaramdamanPanggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.