Kodigong Morse

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Talaan ng mga sagisag panghudyat na ginagamit sa Kodigong Morse, at ang mga katumbas na titik at bilang.
Mga hudyat na ginagamit kapag nangangailangan ng tulong o "S.O.S."
Isang aparatong ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Kodigong Morse.
Isang mandaragat na gumagamit ng Kodigong Morse sa pamamagitan ng ilaw.

Ang Morse code[1] o kodigong Morse [bigkas: Mors] ay isang kalipunan ng mga hudyat na may mga gitling at tuldok na ginagamit sa pakikipag-ugnayan. Dahil dito, nakapaghahatid ang isang tao ng impormasyong telegrapiko, ayon sa pamantayan ng pagkakasunud-sunod ng mga hudyat na tunog at pulso na sumasagisag sa mga titik at numero. Mayroon ding mga natatanging karakter at puntuwasyong ginagamit para rito. Maririnig ang mga hudyat na tunog mula sa isang aparatong pang-kodigong Morse.

Ginagamit din ang kodigong ito - partikular na ang pansandaigdigang kodigong Morse o International Morse Code - sa mga estasyon ng radyo, maging pang-komersiyalismo man o pang-baguhan o di-dalubhasa (amatyur). Natututong gumamit ng kodigong Morse ang isang pangkaraniwang tao kung magsasanay at kapag nakagamayan niyang pansinin ang kalipunan ng mga hudyat na tunog sa halip na mga tig-iisang tuldok at gitling.[1] (Tingnan ang larawan ng talaan ng mga sagisag at katumbas na mga titik at bilang.)

Iba pang mga sagisag[baguhin]

Naririto ang ilan pang mga sagisag na wala sa larawang naglalaman ng talaang pansandaigdigang kodigong Morse:

Kahulugan/Katumbas
Hudyat o Sagisag[1]
Tuldok (.)
.  – .  – .  –
Kuwit, koma (,)
 –  – . .  –  –
Tanong (?)
. .  –  – . .
Mali
. . . . . . . .

Sanggunian[baguhin]



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.