Komunikasyon at ang mga uri nito

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

, medMakapal na panitik

makikita. KasaAng komunikasyon ay isang proseso at transaksiyon ng paglilipat ng mensahe sa pagitan ng isa o higit pang mga tao. Maari itong maging pasulat o pasalita. Bukod dito, kinapapalooban din ito ng mga verbal at non-verbal cues. May dalawang pangunahing uri ng komunikasyon. Ito ay ang intrapersonal communication at interpersonal communication.

1. Intrapersonal komunikasyon: Bagaman sinasabi na ang komunikasyon ay transaksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, itinuturing pa rin na uri ng komunikasyon ang intrapersonal communication. Isang tao lamang ang gumagawa ng transaksiyon na ito. Kapag ang isang tao ay nag-iisip, sinasabi na ito ay nagsasagawa ng intrapersonal communication. Samantala, mayroon namang debate kung maituturing bang intrapersonal communication ang pagdadasal. Para sa mga sumasang-ayon ditto, sinasabi na wala naman talagang konkretong feedback na natatanggap sa pagdadasal. Subalit para sa iba, ang feedback ay matatagpuan sa pang araw-araw na kaganapan sa buhay ng tao mismo.

2. Interpersonal komunikasyon: Tinatawag itong interpersonal sapagkat ito ay nagaganap sa pagitang ng dalawa o mahigit pang (dami ng) tao. Kumpara sa intrapersonal communication, ang uring ito ay mas may konkretong daloy kung saan ang mga elemento ng komunikasyon ay Makapal na panitikma ditto ay ang tagapagsalita, mensaheium, ingay o balakid, at tagatanggap. Mayroong apat na uri ng interpersonal communication. Ang apat na ito ay karaniwang mapapansin sa pang araw-araw na buhay. Ito ay ang mga sumusunod:

a. Dyad Communication: ito ay uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao lamang. Mainam na halimbawa nito ay ang one-on-one interview.

Group Communication: Ang uring ito ay nagaganap sa pagitan ng tatlo o higit pang tao. Karaniwan nitong halimbawa ay ang mga group therapy sessions at group discussions.

Public Speaking: Ito ay ang pagbibigay ng talumpati sa harap ng madla. Maari itong maiuri sa dalawa:

Extemporaneous Speech Talumpating may kopya (): Ito ay ang pagbibigay ng talumpati kung saan handa ang tagapagsalita sa kaniyang sasabihin. Maaring may kopya ng talumpati ang tagapagsalita at binabasa na lamang ito sa harap ng madla, o kaya ay nakapagsaliksik na ito tungkol sa paksa at gumawa na lamang ng mental note. Karaniwan itong masasaksihan sa mga pormal na pagtitipon katulad ng seminar, lectures, at convocations.

Impromptu Speech (Talumpating Di-Handa): Sa uring ito, walang kopyang binabasa ang tagapagsalita habang inuusal nito ang kaniyang talumpati. Karaniwan ay hindi alam ng tagapagsalita ang eksaktong paksa hanggang sa mismong oras ng pagbibigay niya ng talumpati.

Pangmadlang Komunikasyon (Mass Communication): Naiiba ang uring ito dahil sa extent at magnitude ng kaya nitong maabot. Sa apat na uri ng komunikasyon, ito ang may pinakamaraming audience o tagatanggap ng mensahe. Karaniwan nitong halimbawa ay ang TV, print, at radio.