Konstelasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang isang konstelasyon ay isang pangkat o kapisanan ng mga tala at mga bituin, na karaniwang mayroong isang makikilalang kahugisan o padron. Dahil sa pagkakasama-sama o pagkakapangkat-pangkat na ito, ang mga bituing kasapi sa isang konstelasyon ay parang isang larawan. Ang salitang "konstelasyon" ay nagmula sa mga salitang Latin na con- na may ibig sabihing "magkasama" at stella- na ang ibig sabihin ay "mga bituin". Ang ilan sa mga halimbawa ng mga konstelasyon ay ang Ursa Mayor, Orion, at Andromeda.

Ginagamit ng mga tao ang mga konstelasyon upang masabi ang pagkakaiba ng mga kulay. Ang iba't ibang mga lugar sa mundo ay mayroong iba't ibang mga konstelasyon, subalit sa kasalukuyan mayroon nang itinakda ang astronomiya na 88 mga konstelasyon. Ang katakdaang ito ay nakabatay mula sa Griyegong kapangkatan at pagdaka ay nadagdagan ng ilang mga konstelasyong pangtimog; halimbawa na ang Antlia - na may bansag na "bomba ng hangin". Karamihan sa mga konstelasyon ay mayroong mga pangalan na nagmula sa mitolohiyang Griyego, katulad ng Orion at Andromeda.

Mayroong 12 mga konstelasyon sa Zodiac. Ang Araw ay naglalakbay na lumalagos sa Zodiac nang isang ulit bawat taon. Mayroon ding ika-13 konstelasyon: ang Ophiuchus - ang tagapagdala ng isang ahas, na nilalagusan ng Araw. Subalit, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao na ito ay nasa loob ng Zodiac.

Kasaysayan[baguhin]

Walang nakakaalam kung sino ang unang nakakita sa mga konstelasyon. Ang sinaunang mga kabihasan, katulad ng mga Mayano, ay gumuhit ng sarili nilang mga mapa ng bituin ng kalangitan na mayroong mga konstelasyon nila, na napakakaunti na sa mga ito ang ginagamit na ng mga tao sa kasalukuyang kapanahunan. Ang 48 na mga konstelasyon ni Ptolomeo ay kinikilala pa rin sa ngayon ng IAU. Ang natitira pang mga konstelasyon ay naidagdag na lamang noong bandang huli.


Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.