Kranberya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kranberya
Palumpong ng kranberyang may bungang bahagyang nakalubog.
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
(unranked): Angiosperms
(unranked): Eudicots
(unranked): Asterids
Orden: Ericales
Pamilya: Ericaceae
Sari: Vaccinium
Subsari: Oxycoccos
Mga uri

Vaccinium erythrocarpum
Vaccinium macrocarpon
Vaccinium microcarpum
Vaccinium oxycoccos

Ang mga kranberya, kranberi, o arandanong pula (Ingles: mga cranberry, Kastila: arándano rojo) ay isang pangkat ng mga palaging lunting bansot na mga palumpong o kaya gumagapang na mga baging na nasa saring Vaccinium sa kabahaging sari o sub-saring Oxycoccos, o sa ibang pagtrato, nasa bukod na saring Oxycoccos. Natatagpuan sila sa mga asidikong malalambot na mga putikan, kumunoy, o maburak na bahaging malalamig ng Hilagang Hemispero.

Bilang pagkain, napagkukunan ng ginagawang sarsa ang bungang ratiles ng kranberya. Maliliit, mapula, at maasim o asidiko ang mga bungang ito.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Cranberry". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 48.




Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.