Kromyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang metal na kromyo.

Ang kromyo o kromyum (Ingles: chromium) ay isang elementong kimikal. Mayroon itong simbolong Cr sa talaang peryodiko. Ang atomikong bilang nito ay 24, na nagsasabi kung saan nakalagay ang kromyum sa loob ng talaang peryodiko. Ang bilang ng masa (bilang ng mga proton at mga neutron) nito ay tinatayang nasa 54. Palagi itong mayroong 24 na mga proton. Sa karamihan ng mga pagkakataon ay mayroon itong 28 mga neutron, subalit kung minsan ang iba't ibang mga isotopo ay mayroong mas marami o mas kakaunting mga neutron. Bilang isang metal, ang kromyum ay mayroong 24 na mga elektron. Ang mga iono nito ay mayroong mas kakaunting mga elektron.

Mga katangiang pag-aari[baguhin]

Ang kromyum ay isang makintab na metal. Reaktibo ito, ngunit tumutugon ito sa hangin upang makagawa ng isang napakanipis na pahid ng oksido ng kromyum (III), na nakapagpapaiwas na maragdagan pa ang kalawang nito.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.