Krus (sagisag)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Krus (paglilinaw).
Krus.

Ang krus[1] ay isang bagay na hugis "" (maliit na T na walang buntot), karaniwang yari (ngunit hindi lamang) sa dalawang tabla ng kahoy. Namatay si Hesus sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.[2] Binabaybay din itong kurus at katumbas ng krusipiho,[3] isang bagay na matatagpuan sa mga dalanginan o altar. Kaugnay ng krus ang pag-aantanda, pagkukrus, o pagsasangalan ng ama. Nagmula ang antanda (ang tanda) mula sa katagang ang tanda ng Santa Krus. Bagaman may salitang krusan, mas angkop ang krusan sa paggawa o paglalagay ng hugis na ekis o "X", na natatawag ding krus.[3]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Blake, Matthew (2008). "Krus". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.  Check date values in: |date= (help)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Cross". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.  Check date values in: |date= (help)
  3. 3.0 3.1 "Krus, kurus, krusipiho, magkrus, mag-antanda, magsangalan ng ama, atbp". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.