Kubrador

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kubrador
Direksiyon Jeffrey Jeturian
Produksiyon Joji Alonso
MLR Films
Isinulat ni Ralston Jover
Mga gumanap Gina Pareño
Soliman Cruz
Nanding Josef
Johnny Manahan
Jhong Del Rosario
Nico Antonio
Fonz Deza
Musika Jerrold Tarog
Sinematograpiya Roberto Yniguez
Tagapag-edit Jay Halili
Petsa ng pagpapalabas 2006
Oras ng pagpapalabas 98 minuto
Bansa Pilipinas
Wika Tagalog

Ang Kubrador (Ingles na pamagat: The Bet Collector) (2006), ay isang pelikulang Pilipino na nakasentro jueteng, isang sugal na nagmula pa noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Balangkas[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakatuon ang kuwento sa tatlong araw sa buhay ni Amelita (ginampanan ni Gina Pareno), isang kubrador para sa bawal na sugal na jueteng. Araw-araw siyang nangongolekta ng mga taya mula sa kanyang mga regular na mga parokyano sa kabila ng pagpuksa ng pamahalaan sa larong ito. Isang araw, nahuli siya ng pulis. Nasama siya sa iba pang mga kubrador sa himpilan ng pulis hanggang nagpiyansa ang kanyang protektor.

Nang kinaumagahan, patuloy pa rin si Amelita sa kanyang mga ilegal na gawain. May isang Katolikong pari ang nakilala niya na nagsabing namatay sa isang aksidente ang kapitbahay niyang bata pa. Hiniling ng pari na mangolekta siya ng mga donasyon mula sa mga kapitbahay at mga kaibigan. Pagkatapos noon, isang serye ng mga pangyayari ang nagbago sa kanyang maka-mundong buhay sa isang masalimuot na laro ng buhay, kapalaran at kamatayan.

Produksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Direksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagpapalabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Bansang pinalabas[1] Petsa Tanda
Watawat ng Canada Canada 8 Setyembre 2006 Ipinalabas sa Toronto Film Festival
Flag of the Philippines Pilipinas 3 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Cinemanila Film Festival
Watawat ng Pransiya Pransiya 11 Nobyembre 2006 Ipinalabas sa Amiens International Film Festival
Watawat ng Estonia Estonia 2 Disyembre 2006 Ipinalabas sa Tallinn Black Nights Film Festival
Watawat ng Poland Poland 20 Hulyo 2007 Ipinalabas sa ERA New Horizons Film Festival
Flag of the United States Estados Unidos Enero 10 at 11, 2008 Ipinalabas sa Museum of Modern Art

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]