Kupal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol ang lathalaing ito sa kupal, isang katas mula sa kasangkapang kasarian ng mga mamalya. Tingnan ang Vernix caseosa para sa bagay na bumabalot sa balat ng isang bata sa panahon ng pagkakapanganak sa kanya.
Naipong kupal sa ibabaw ng dulong bahagi ng isang titi.

Ang kupal[1] (Ingles: smegma; Griyego: smēgma, "sabon")[2] ay ang pagsasama-sama ng nalagas na mga sihay na epitelyal, kumakatas at lumalagos na mga langis ng balat, at pamamasa. Nagkakaroon nito kapwa sa titi ng lalaki at sa puki ng babae. Sa mga lalaki, nakakatulong ang kupal sa pananatili mamasa-masa ng burat (ang glans o dulo ng titi) at nakapagpapagaan, nakapagpapadali, o nakatutulong sa pagtatalik sa pamamagitan ng pagganap bilang isang pampadulas o lubrikante.[3][4][5]

Mga sanggunian[baguhin]


TaoAnatomiyaSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Anatomiya at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.