Kurt Gödel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kurt Gödel
Kapanganakan 28 Abril 1906(1906-04-28)
Brno, Moravia, Austria–Hungary
Kamatayan 14 Enero 1978 (edad 71)
Princeton, New Jersey, United States
Larangan Mathematics, Mathematical logic
Institusyon Institute for Advanced Study
Alma mater University of Vienna
Tagapayo sa pagkaduktor Hans Hahn
Kinikilala dahil sa Gödel's incompleteness theorems, Gödel's completeness theorem, the consistency of the Continuum hypothesis with ZFC, Gödel's ontological proof
Natatanging mga gantimpala Albert Einstein Award (1951); National Medal of Science (USA) in Mathematical, Statistical, and Computational Sciences (1974)
Lagda

Si Kurt Gödel (IPA: [kuɹtˈgøːdl]) (Abril 28, 1906 sa Brünn, Austria-Hungary (ngayon Brno, Czech Republic) – Enero 14, 1978 sa Princeton, New Jersey) ay isang pinanganak sa Austria na Amerikanong matematiko at pilosopo.

Si Gödel ay naging tanyag dahil sa kanyang dalawang teorema ng hindi pagiging kumpleto(incompleteness theorems) na inilimbag noong 1925. Ang mas tanyag sa dalawang teoremang ito ay nagsasaad na sa anumang konsistente sa sariling mga rekursibong aksiyomatikong mga sistema na sapat na makapangyarihan upang ilarawan ang aritmetika ng mga natural na bilang(halimbawa ang artimetikang Peano), may mga proprosisyon tungkol sa mga natural na bilang na hindi mapapatunayan mula sa mga aksioma. Upang patunayan ang teoremang ito, binuo ni Gödel ang isang teknikong tinatawag na pagbibilang Gödel(Gödel numbering) na nagkokoda ng mga pormal na ekspresiyon bilang mga natural na bilang.

Sa mga huling yugto ng buhay ni Gödel, siya ay dumananas ng mga panahon ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Siya ay nagkaroon ng obsesibong takot na lasunin. Dahil dito, si Gödel ay kumakain lamang ng pagkaing inihanda ng kanyang asawa si Adele. Noong 1977, si Adele ay nahospital sa loob ng anim na buwan at dahil dito hindi niya nagawang paghandaan ng pagkain si Gödel. Sa kawalang presensiya ni Adele, si Gödel ay tumangging kumain na naging dahilan ng kanyang kamatayan dahil sa pagkagutom. Ang timbang ni Godel noong siya ay namatay ay 65 libra(pounds) lamang. Ang kanyang sertipiko ng kamatayan ay nag-ulat na siya ay namatay sanhi ng malnutrisyon at kagutuman na sanhi ng kaguluhan sa personalidad noong Enero 14, 1978 sa Hospital ng Princeton sa New Jersey, Estados Unidos .


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.