Kuwebang Tabon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kuwebang Tabon

Ang mga Kuwebang Tabon o mga Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa Palawan, Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang kuweba ni Dr. Robert Fox at ng kanyang grupong nagmula pa sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.

Binubuo ng mga natuklasan nang mga kuweba ang kabuuan ng mga Kuwebang Tabon, subalit may dalawandaang mga kilalang kuweba sa Punto ng Lipuun. Pinangangalagaan at pinamamahalaan ang mga ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Bukas sa publiko ang isa sa mga kuwebang ito. May mga tapayan sa loob nitong ginamit sa paglalagak ng mga buto ng mga tao na may kasamang mga hayop.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.