LaLola

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
LaLola
Lalola1.jpg
Kilala rin bilang lal♂l♀
Uri Romantiko
Gumawa Sebastián Ortega
Nagsaayos Jun Lana
Direktor Dominic Zapata
Jun Lana
Pinangungunahan ni Rhian Ramos
JC de Vera
Isinalaysay ni/nina Keempee de Leon
Kompositor ng tema Tats Faustino (musika)
Janno Gibbs (titik)
Pambungad na tema "Ang Ganda ni Lola"
ni Janno Gibbs
Pangwakas na tema "Bakit?"
ni Kyla at Luke Mijares
Bansang pinagmulan Watawat ng Pilipinas Pilipinas Pilipinas
Wika Filipino, Tagalog, Ingles
Paggawa
Gumawang tagapagpaganap Wilma Galvante
Lokasyon Watawat ng Pilipinas Pilipinas Kalakhang Maynila
Oras ng pagpapalabas 30-45 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan GMA Network
Banghay ng larawan 480i SDTV
Orihinal na pagtakbo Oktubre 13, 2008Pebrero 6,2009
Kronolohiya
Sumunod sa Ako si Kim Samsoon
Mga kahalintulad na palabas Lalola (bersyon ng Argentina)
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Lalola o lal♂♀la ay isang palatuntunan ng GMA Network na gaya sa orihinal na palabas ng Arhentina. Ito ay unang ipinalabas noong ika-labintatlo ng Oktubre 2008 (Oktubre 13, 2008) at pinangungunahan ni JC de Vera at Rhian Ramos. Simula sa ika-28 ng Pebrero 2011, muli syang pinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Life TV.

Pinaikling Istorya[baguhin]

Isang lalaki nagngangalang Lalo (Wendell Ramos), ang presidente ng Distelleria Lobregatt, na maraming niloko at nasaktang babae. Noong nasaktan niya ang babaylang si Ada at ito'y nagpakamatay, maghihiganti ang kanyang kapatid na si Sera. Nilagyan si Lalo ng sumpa. Isang halik lamang kay Sera at ito ay makukulong sa katwan ng isang babae. Wala nang iba ngunit ang kanyang kaibigang si Gary (Keempee de Leon) lamang ang naniniwala sa kanyang pagbabalat-kayo. Wala siyang magagawa ngunit magpanggap na babae.

Pinasok ni Lalo ang kanyang dating kompanya, ang Distelleria Lobregat, at nagpakilalang Lola, syota ni Lalo. Habang nasa kompanya, kailangan niyang malampasan ang lahat ng hamon at ang makakalaban niyang si Gaston (Marvin Agustin).

Habang nasa loob ng isang babae, napapansin ni Lalo/Lola na habang dumadaan ang araw, mas nagiging babae siya at nabibighani siya kay Facundo (JC de Vera), ang bise-presidente ng Distelleria Lobregat at kumpletong kabaliktaran ni Lalo.

Mga Gumanap[baguhin]

Pangunahing Tauhan[baguhin]

Iba Pang Tauhan[baguhin]

Panauhing Tauhan[baguhin]

Dating Tauhan[baguhin]

Mga Iba Pang Impormasyon(Tribya)[baguhin]

  • Ang Pilipinas ay ang ika-apat na bansa na bumili ng karapatan ng Lalola para ipalabas ang isang lokal na bersyon nito.
  • Bago mapili si Wendell Ramos sa papel ni Lalo, si Paolo Contis ang napili para gumanap bilang Lalo.
  • Pagkatapos ang pagkamatay ni Marky Cielo noong ika-7 ng Disyembre 2008, patuloy pa rin ang paglabas niya sa palatunutunan. Bilang parangal sa kanya, pagkatapos ng mga kabanata(Disyembre 8-12) ay nakasulat ang In Loving Memory of Marky Cielo. Huling nasulyapan ang aktor noong kumakain ng almusal kasama nina Griselda, pekeng Lalo, at si Aguirre. Ang kanyang papel ay natapos dahil sa sinadyang aksidente at dinala sa huling hantungan sa kabanata ng ika-15 ng Enero 2009.
  • Dahil buntis si Angelika dela Cruz, hanggang Enero na lamang siya masusulyapan sa Lalola. Dahil siya'y buntis at lumalaki na ang tiyan, ipinalabas sa Lalola na siya ay mayroong bata sa kanyang sinapupunan.

Panlabas na kawing[baguhin]