Labindalawang lipi ng Israel

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tinatalakay ng artikulong ito ang mga lipi ng Israel. Para sa pangkalahatang pangkat etniko, tingnan ang Mga Ebreo.
Mosayko ng 12 lipi ng Israel mula sa dingding ng isang sinagoga sa Herusalen

Ang mga Ebreo, na nakilala bilang mga Israelita nang maitatag ang Kaharian ng Israel, ay nahati sa labindalawang lipi. Ang bawat isa sa mga lipi[1] ay may sariling hati ng lupa sa Israel maliban sa Leví, na walang teritoryo at kalat-kalat sa iba't ibang teritoryo ng mga lipi.

Nang mahati ang Israel, nagsanib ang mga teritoryo ng mga lipi ng Simeón at Benjamín sa teritoryo ng lipi ng Judá upang buuin ang Kaharian ng Judá. Ang mga natitirang lipi ng hilaga, na bumuo ng panibagong Kaharian ng Israel, ay sinakop ng Asirya at itinapon sa iba't ibang dako ng imperyo at ngayo'y itinuturing na nawala na.

Ang natitirang mga lipi ng Kaharian ng Judá, kasama ang lipi ng Leví, ang naging mga ninuno ng mga Hudyo.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Eksodo 24.4, 35.30. Magandang Balita.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.