Mga Pilipino

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lahing Pilipino)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit ng salita, tingnan ang Pilipino.
Lahing Pilipino
Kabuoang populasyon

100,000,000

Mga rehiyong may mahahalagang mga bilang
Flag of the Philippines Pilipinas 91,077,287 (2007) [1]
Mga wika
Filipino, Ingles, Mga wika sa Pilipinas
Pananampalataya
Romano Katoliko, Protestante
Islam, Aglipayan, Iglesia ni Kristo
Mga katutubong tradisyon at paniniwala
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Malay

Karamihan sa mga kasalukuyang mga Pilipino ay itinituring na mula sa pangkat etnikong Awstronesyo, ngunit malaki-laki rin ang bilang ng mga etnikong Tsino. Kasalukuyang maliit din ang bilang ng mga Aeta (o Negrito), ang mga orihinal na nakatira sa lupain ng bansa.

Tinataguriang isang salad bowl ang Pilipinas at sa kadahilanang ito, ang kultura ng mga Pilipino ay halo-halo bagaman hindi iisang-tulad ng parang melting pot. Gayundin, habang lubos na tinatanggap ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkabilang ng kanilang bansa sa kontinenteng Asyano ayon sa heograpiya, nararapat punahin na hindi nila karaniwang kinikilala kanilang sarili bilang mga Asian (lalo na sa gamit Ingles), at tinatanaw ng ilan, partikular na ng karamihang mga may walang lahing Intsik, Hapon, o Korea, ang pagbabansag sa kanila nang ganito bilang offensive at labag sa likas na pagkamultikultural at multientiko ng Pilipinas.

Humihigit-kumulang ng 100 milyon ang bilang ng mga Pilipino o may mga pinagmulang Pilipino sa buong daigdig.

Tumutukoy ang pangalang Pinoy (Pinay kung kababaihan) sa mga Pilipino, kabilang lalo ang mga naninirahan sa ibang bansa.[2]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

Talababa[baguhin]

  1. "The World Factbook - Philippines". U.S. Central Intelligence Agency. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html. Hinango noong 2007-06-08. 
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X

Bibliyograpiya[baguhin]


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.