Lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang mga Lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki (Ingles: Men who have sex with men, MSM o males who have sex with males) ang mga lalakeng tao na lumalahok sa gawaing pakikipagtalik sa kaparehang kasarian o mga kapwa lalake kahit pa ano seksuwal orientasyon ng mga ito. Ito ay maaaring kabilangan ng mga homoseksuwal, biseksuwal o mga heteroseksuwal. Ang mga heteroseksuwal (eksklusibong seksuwal na nagnanasa sa mga babae) ay maaaring makipagtalik sa mga kapwa nito lalake sa iba't ibang dahilan gaya ng prostitusyon, kuryosidad o dahil sa kawalang katalik na mga babae dahil sa mga restriksiyong relihiyoso sa isang teokratikong bansa. Ang terminong ito ay nilikha noong 1990s at ginagamit sa mga medikal na literatura at panlipunang pagsasaliksik upang pag-aaralan ang mga sakit na naipapasa sa pakikipagtalik sa pagitan ng mga kapwa lalake kahit ano pa ang seksuwal na orientasyon nito.

Tingnan din[baguhin]