Pampanga

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lalawigan ng Pampanga)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ilog, tingnan ang Ilog Pampanga.
Lalawigan ng Pampanga
—  Lalawigan  —

Sagisag
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Luzon (Rehiyon III)
Pagkatatag 11 Disyembre 1571
Kabisera Lungsod ng San Fernando
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—1,
Lungsod (bahagi)—1,
Bayan—20,
Barangay—537,
Distrito—4
Pamahalaan
 • Gobernador Lilia G. Pineda
Laki(ika-23 pinakamaliit)
 • Kabuuan 2,180.7 km2 (842.0 sq mi)
Wika Kapampangan, Tagalog

Ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng San Fernando ang kabisera nito. Naghahanggan ang lalawigan ng Pampapanga sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, at sa Bulacan sa timog silangan. Matatagpuan din ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa hilangang baybayin ng Look ng Maynila.

"La Pampanga" ang ipinangalan ng mga Kastila sa mga katutubong kanilang natuklasang naninirahan sa dalampasigan. Nagsilbi rin itong kabisera ng kapuluan nang dalawang taon mula 1762–1764 nang sinakop ng mga Ingles ang Maynila. Ang salitang pampang, kung saan nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang "dalampasigan". Ang pagtatatag nito noong 1571 ang naging dahilan upang maging kauna-unahang lalawigang Kastila sa Pilipinas.

Heograpiya[baguhin]

Pampolitika[baguhin]

Nahahati ang Pampanga sa 20 mga munisipalidad at 3 lungsod.

Mga lungsod[baguhin]

Mga bayan[baguhin]

Pisikal[baguhin]

Lupain[baguhin]

May kabuuang 2,180.68 kilometro kwadradong sakop na lupa ang lalawigan. Pangkahalatang patag ang buong lalawigan na may natatanging bundok, ang Bundok Arayat, at ang tanyag na Ilog Pampanga. Sa mga bayan nito, ang bayan ng Porac ang may pinakamalaking sakop na lupa na may 343.12 km kwadrado; Pangalawa ang Candaba at ikatlo ang bayan ng Lubao.

Klima[baguhin]

May dalawang natatanging klima ang lalawigan ng Pampanga, tag-ulan at tag-araw. Kadalasang tag-ulan pagsimula ng Mayo hanggang Oktubre, samantalang tag-araw sa mga nalalabing buwan. Ang pinakamainit na panahon ay tuwing Marso at Abril, samantalang pinakamalamig naman mula Disyembre hanggang Pebrero.

Ekonomiya[baguhin]

Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya sa lalawigan. Bigas, mais, tubo, at tilapya ang mga pangunahing produkto ng lalawigan. Karagdagan sa pagsasaka at pangingisda, ang lalawigan ay mayroon din lumalaking industriya sa paglililok, paggawa ng mga kasangkapan, gitara at iba pang bagay na yari sa kamay. Tuwing panahon ng kapaskuhan, ang lalawigan ng Pampanga ay nagiging sentro ng pagawaan ng "parol".

Tanyag ang lalawigan sa pagluluto. Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang husay sa paggawa ng mga bagong uri ng pagkain, mula sa pinakapayak na ulam hanggang sa kakaiba. Ang Pampanga's Best at Mekeni Food ay ilan lamang sa mga kumpanyang Kapampangan na gumagawa ng mga tocino, tapa at longganisa.