Lawa ng Balinsasayao
Lawa ng Balinsasayao | |
---|---|
Lokasyon | Sibulan, Negros Oriental |
Koordinado | 9°21′11″N 123°10′45″E / 9.35306°N 123.17917°E |
Uri ng Lawa | Lawa sa Bunganga ng Bulkan |
Mga bansang lunas | Pilipinas |
Lawak | 76 ektarya (190 akre) |
Pagkakaangat ng ibabaw | 1,000 talampakan (300 m) |
Ang Lawa ng Balinsasayao ay isa sa dalawang maliit ngunit malalalim na Lawa sa Bunganga ng Bulkan na may taas na 1,000 talampakan (300 m) mula sa sa lebel ng dagat, na matatagpuan 12 km (7.5 mi) sa kanlurang bahagi ng bayan ng Sibulan sa lalawigan ng Negros Oriental. Ito ay nakalagak sa hilagang-kanluran mula sa makipot na daan,malapit sa bitak caldera sa gitna ng apat na bundok, Bulkan ng Mahungot sa timog, Bulkan ng Kalbasan sa hilaga, Bulkan ng Balinsasayao sa silangan at ang Lungaw ng Guintabon sa kanluran. Ang iba pang lawa katulad ng Lawa ng Danao, ay matatagpuan naman sa timog-silangan.[1]
Protektadong lugar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lawa ng Balinsasayao at ang katabi nitong Lawa ng Danao,kasama rin ang Lawa ng Kabalin-an at ang nakapalibot nitong mga lugar na may kabuuang sukat na 8,016 ektarya (19,810 akre) ay kabilang sa protektadong lugar noong Nobyembre 21, 2000, sa bisa ng Proklamasyong Bilang 414 na ngayon ay naitalaga bilang Likas na Liwasan ng Kambal na Lawa ng Balinsasayao.[2]
Flora at fauna
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa panghatak turista ng lalawigan ang, Lawa ng Balinsasayao dahil ito ay protektadong liwasan, tahanan ng lumalagong ecosystem at biodiversity.[3] Ang lawa ay mayaman sa isdang fauna, pati na rin ang iba pang bilang ng kilalalang uri ng isda, at ang nakapalibot na matatayog na puno o ang dipterocarpna pinamumugaran ng mga ibon.
Ang ibat-ibang uri ng isda katulad ng Tilapya , Karpa, Dalag, Anquilla sp, Macrobrachium sp, Viruna literata, Fabricus sp at ang Chanos chanos ay matatagpuan din sa lawa. Ang kagubatan ay nababalot ng matataas na puno o dipterocarp. Walang gaanong impormasyon patungkol sa halamang tubig sa lugar.[4]
Konserbasyon at pangangalaga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagpapanatili at pangangalaga ng flora at fauna ay isa pa ring suliranin katulad na lamang sa palibot ng kagubatan na patuloy nang nasisira dahil sa pagtotroso at paggawa ng uling (panggatong). Ang walang tigil na pagpuputol ng mga puno at pagkakaingin ng mga (kaingiros), na nakapagpabawas sa daloy ng tubig dahilan upang matuyo ang lawa.[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Dumagueteinfo.com – Kambal na Lawa". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-27. Nakuha noong 2013-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ " Protektadong Lugar sa ng Rehiyong 7" Naka-arkibo 2013-10-21 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Nakuha noong 2011-08-13.
- ↑ "Dumagueteinfo.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-27. Nakuha noong 2013-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Lake Balinsasayao and Lake Danao". ASEAN Regional Centre for Biodiversity Conservation. 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kambal na Lawa ng Negros Naka-arkibo 2012-10-27 sa Wayback Machine.
- Lawa ng Balinsasayao at Lawa ng Danao
- Protektadong Lugar sa Pilipinas Naka-arkibo 2011-09-29 sa Wayback Machine..