Leonardo da Vinci

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Leonardo da Vinci
Leonardo self.jpg
Larawan sa pulang tsalk, mga 1512 hanggang 1515, malawak (ngunit hindi unibersal) na tinatanggap bilang isang tunay na sariling-larawan.
Tunay/Buong pangalan Leonardo di Ser Piero
Kapanganakan 15 Abril 1452(1452-04-15)
Vinci, Florence, in present-day Italy
Kamatayan 2 Mayo 1519 (edad 67)
Amboise, Indre-et-Loire, in present-day France
Kabansaan Italian
Larangan Many and diverse fields of arts and sciences
Kilusan/Samahan High Renaissance
Mahahalagang gawa Mona Lisa, The Last Supper, The Vitruvian Man

Si Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), na may kahulugang Leonardo ng Vinci, ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamadormusikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.

Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "mula sa Vinci" ang ibig sabihin ng "da Vinci" — naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo sa kanyang mga pintura, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensiyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, at calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pintura niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.