Ligas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Ligas (paglilinaw).
Ligas
Europeanong ligas na nakakabit sa isang silver birch
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
Dibisyon: Magnoliophyta
Klase: Magnoliopsida
Orden: Santalales
Mga pamilya

Santalaceae (Viscaceae)
Loranthaceae
Misodendraceae

Ang ligas[1] (Ingles: mistletoe; Kastila: muerdago, ligas) ay isang pangkaraniwang pangalan sa isang maliit na punong parasito na may nakalalasong dagta at dahon, subalit may nakakaing bungang kahawig ng mula sa kasoy. Isa rin itong pangkalahatang katawagan para sa isang grupo ng mga parasitikong mga halaman sa orden ng mga Santalales na lumalaking nakakabit sa at maging sa loob ng mga sanga ng isang puno o palumpong. Siyam na ulit lamang naganap at umunlad ang parasitismo sa kaharian ng mga halaman;[2] mula sa bilang na ito, sariling naganap at umunlad ang gawi ng parasitikong ligas na ito nang limang ulit: kaya't nabilang sa mga ligas ang mga Misodendraceae, Loranthaceae, Santalaceae (dating itinuturing na isang kahiwalay na pamilyang Eremolepidaceae), at Santalaceae (dating itinuturing na isang kahiwalay na pamilyang Viscaceae). Bagaman inilagay ang Viscaceae at Eremolepidaceae sa isang may malawakang-pagkakahulugan Santalaceae sa pamamagitan Grupong 2 ng Angiospermang Piloheniya, magkahiwalay at may sarili silang pinagmulan, ayon sa mga sekwesiyang DNA ni Dan Nickrent, mula sa Katimugang Pamantasan ng Illinois.

Ilan sa mga halimbawa uri ng mga ligas ang Phoradendron leucarpum, Viscum album, at Viscum coloratum.[3] Isang pangkaraniwang halamang pandekorasyong pamasko ang ligas, halimbawa na ang uring Phoradendron flavescens.

Sanggunian[baguhin]

  1. "Ligas". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Job Kuijt, Biology of Parasitic Flowering Flants (Pamantasan ng California) 1969.
  3. "Mistletoe"15, HCV & CAM: Dietary Supplements to Avoid, HCSP Factsheet, Hepatitis C Support Project, HCVAdvocate.org (...) 15Mistletoe is being researched in Europe as a treatment for HCV. Mistletoe is toxic and should not be used outside of a clinical research setting. (...) [Sinasaliksik ang ligas sa Europa bilang isang lunas para sa HCV. Nakalalason ang ligas at hindi dapat gamitin sa labas ng hindi gawaing pananaliksik na klinikal], Agosto 2007