Lindol sa Hayti noong 2010

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lindol sa Hayti noong 2010
Petsa 21:53:09, 12 Enero 2010 (UTC) (2010-01-12T21:53:09Z)
Kalakhan 7.0 Mw
Lalim 6.2 milya (10.0 km)
Sentro nang lindol 18°27′05″N 72°26′43″W / 18.4514°N 72.4452°W / 18.4514; -72.4452Mga coordinate: 18°27′05″N 72°26′43″W / 18.4514°N 72.4452°W / 18.4514; -72.4452
Mga bansa/
rehiyong apektado
Watawat ng Hayti Haiti
Watawat ng Republikang Dominikano Dominican Republic
Watawat ng Kuba Cuba
Watawat ng Jamaica Jamaica
Pinakamataas na kasasalan MM X[1]
Tsunami wala
Aftershocks 5.9, 5.5
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:

Ang Lindol sa Hayti noong 2010 ay isang lindol na nagtala ng 7.0 sa Eskalang sismolohikong Richter na tumama may 10 milya (16 km) mula sa Port-au-Prince, Hayti sa ganap na 04:53:09 PM (sa episentro) noong Martes 12 Enero 2010.[2] Ang lindol ay nagunita sa lalim ng 6.2 milya (10.0 km). Nakapagtala ang Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ng ilang serye ng mga aftershock, sampu sa mga ito ang mataas sa 5.0 na kalakhan,[3] kasama na ang isang 5.9 at 5.5.

Karamihan sa mga pangunahing palatandaan sa Port-au-Prince ang nasira ng lindol, kasama na ang Pambansang Palasyo ng Pangulo ng Hayti, ang gusali ng Pambansang Asambleya, ang Katedral ng Port-au-Prince at hindi bababa sa isang ospital.[4][5] Iniulat ng Nagkakaisang mga Bansa na ang punong tanggapan ng Misyong Pagpapapanatag ng Nagkakaisang mga Bansa sa Hayti, na matatagpuan sa kabisera, ay napinsala ng grabe at marami sa mga empleyado ang hindi makita.[6]

Detalye ng lindol[baguhin]

USGS intensity map

Naganap ang lindol noong 12 Enero 2010, tinatayang 10 milya (16 km) WSW mula sa Port-au-Prince sa lalim na 6.2 milya (10.0 km) sa ganap na 16:53 UTC-5.[2] Strong shaking with MM VII was recorded in Port-au-Prince.[7] It was also felt in Cuba (MM III in Guantánamo), Jamaica (MM II in Kingston), Venezuela (MM II in Caracas), and the bordering country of Dominican Republic (MM III in Santo Domingo).[8]

Naitala ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ang hindi bababa sa anim na aftershock sa loob ng dalawang oras matapos ang pagyanig. Nasukat nila na nasa 5.9,[9] 5.5,[10] 5.1,[11] 4.8,[12] 4.5,[13] and 4.5.[14]

Ayon sa isang kasapi ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng EU, base sa lakas at lokasyon ng pagyanig, umaabot sa tatlong milyong tao ang naapektuhan. Dagdag pa rito, dahil nangyari ang pagyanig sa ilalim ng lupa imbes na sa tubig, ang mga istruktura at mga tao sa ibabaw ay direktang naapektuhan ng pagyanig, lalo na't mababaw lamang ang fault.[15]

Ayon sa mga ulat ng balita, ang huling lindol na tumama sa Hayti na ganito kalakas ay noon pang 1751.[16]

Agad na nagpalabas ng babala ang Sentro ng Babala sa Tsunami sa Pasipiko sa tsunami matapos ang pagyanig,[17] subalit agad rin naman itong binawi ilang oras ang makalipas.[18]

Resulta[baguhin]

Gumuho ang Palasyo ng Pangulo ng Hayti sa kasagsagan ng lindol.

Ayon sa isang mamamahayag ng telibisyon sa Hayti, ang "Haitipal", ang mga gusali ng Pambansang Palasyo, ministeryo ng pananalapi, ministeryo ng pagawaing bayan, ministeryo ng komunikasyon at kultura, ang Palasyon ng Katarungan, ang Superior Normal School, ang Parlamento, at ang Katedral ng Port-au-Prince ay gumuho.[19][20] Dagdag pa rito, naiulat na isang ospital ang gumuho.[17] Malubha ring nasira ang komunikasyon, kung saan sinabi ng isang dimplomat ng Hayti, "Imposible talaga ang komunikasyon ... Sinusubukan kong tawagan ang aking miniteryo pero hindi ko magawa."[17] Isa ospital rin sa Pétionville, kalapit-bayan ng Port-au-Prince, ang gumuho dahil sa lindol.[21] Ilang mga gusali ng pamahalaan ang gumuho at ang gusali ng punong himpilan ng grupong pangkapayapaan ng Nagkakaisang mga Bansa ay naiulat na malubhang napinsala. Subalit isang opisyal ng UN ang nagsabi sa CNN na ang punong himpilan ay gumuho.[22][23]

Iniulat ng CNN na maraming alikabok ang lumabas matapos ang paglindol sa Port-au-Prince. Tinatayang galing sa mga gusaling kongreto ang mga alikabok na walang rebar o iba pang suporta. Pinangangambahang marami sa mga gusaling iyon ang gumuho.[24]

Ayon sa mga naunang ulat libo-libo ang pinangangambahang namatay.[25] Ang mga ulat tulad ng bilang ng namatay at mga napinsalang gusali ay inaasahang sa Miyerkules pa ng umaga matatanggap dahil na rin sa probleman ng komunikasyon dulot ng lindol.[kailangan ng sanggunian]

Internasyunal na tulong[baguhin]

Umapela para sa internasyunal na tulong ang embahador ng Hayti sa Estados Unidos na si Raymond Joseph gayundin ang kanyang pamangkin at mang-aawit na si Wyclef Jean,[26] na siya din ang "roving ambassador" para sa Hayti.[27]

Pagkatapos ng lindol, agad na sinabi ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estados Unidos na magbibigay ng tulong at makataong tulong sa Hayti.[28]

Magpapadala ang USAID ng grupong tutulong sa Hayti. Ipapadala rin ang Fairfax County (Va.) Urban Search and Rescue Team at ang Los Angeles County Search and Rescue Team para makatulong.[29][30]

Sinabi ni Lawrence Cannon, ministrong panlabas ng Kanada na maaaring magpadala ang Kanada ng grupo ng DART.[31]

Nagpadala nang grupo ang Turkish Red Crescent sa rehiyon.[32]

Magbibigay rin ang HAM (Amateur) Radio Operators ng tulong para sa kalamidad.[33]

Kasaysayan[baguhin]

Ang Hayti ay isang mahirap na bansa, ika-149 sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao.[34] May pag-aalala tungkol kakayanan ng emergency services' na makayanan ang mga sakuna,[35] at ang bansa ay itinuturing na "mahina ang ekonomiya" ng Food and Agriculture Organization.[36]

Tingnan rin[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/pager/events/us/2010rja6/index.html
  2. 2.0 2.1 "USGS Magnitude 7.0 - HAITI REGION". http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/eqinthenews/2010/us2010rja6/. Nakuha noong 13 January 2010. 
  3. Earthquake Center, USGS. "Latest Earthquakes M5.0+ in the World – Past 7 days". Earthquake Hazards Program. United States Geological Survery. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/quakes_big.php. Nakuha noong 13 January 2010. 
  4. Fournier, Keith (2010-01-13). "Devastating 7.0 Earthquake Hammers Beleagured Island Nation of Haiti". Catholic Online. http://www.catholic.org/international/international_story.php?id=35181. Nakuha noong 2010-01-13. 
  5. "Quake 'levels Haiti presidential palace'". Sydney Morning Herald. 2010-01-13. http://news.smh.com.au/breaking-news-world/hundreds-feared-dead-in-haiti-earthquake-20100113-m5d3.html. Nakuha noong 2010-01-13. 
  6. "Statement from the Under-Secretary-General for Peacekeeping Operations Alain Le Roy". United Nations. 2010-01-13. http://www.un.org/apps/sg/sgstats.asp?nid=4335. Nakuha noong 2010-01-13. 
  7. "PAGER – M 7.0 – HAITI REGION", Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos, January, 12 2010.
  8. "Magnitude 7.0 – HAITI REGION USGS Community Internet Intensity Map", Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos, 12 January 2010.
  9. "Magnitude 5.9 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rja7.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  10. "Magnitude 5.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rja8.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  11. "Magnitude 5.1 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rjbg.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  12. "Magnitude 4.8 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rjbk.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  13. "Magnitude 4.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rjbl.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  14. "Magnitude 4.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/recenteqsww/Quakes/us2010rjbr.php. Nakuha noong 2010-01-12. 
  15. "Haiti earthquake feared to have killed many". BBC. 13 January 2010. http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/8455629.stm. Nakuha noong 13 January 2010. 
  16. Romero, Simon; Robbins, Liz (12 January 2010). "Quake Rocks Haiti, Causing Widespread Damage". The New York Times. http://www.nytimes.com/2010/01/13/world/americas/13haiti.html. Nakuha noong 13 January 2010. 
  17. 17.0 17.1 17.2 Katz, Jonathan M. (12 January 2010). "Many casualties expected after big quake in Haiti". Atlanta Journal-Constitution. http://www.ajc.com/news/nation-world/many-casualties-expected-after-273518.html. Nakuha noong 12 January 2010. 
  18. "Tsunami Message Number 3". NOAA. http://www.prh.noaa.gov/ptwc/messages/caribe/2010/caribe.2010.01.12.233517.txt. Nakuha noong 12 January 2010. 
  19. http://www.tv5.org/cms/chaine-francophone/info/p-1911-Haiti_devaste_par_un_puissant_seisme.htm?&rub=2&xml=newsmlmmd.05873741d56221f6a2a803c7248a9429.b11.xml
  20. "Haitian palace collapses". The Straits Times. 13 January 2010.
  21. "Haitian Earthquake Causes Hospital Collapse". The New York Times. 12 January 2010. http://www.nytimes.com/aponline/2010/01/12/world/AP-CB-Haiti-Earthquake.html. Nakuha noong 12 January 2010. 
  22. Ling, Philip; Allison Cross; Jorge Berrera (12 January 2010). "Canada ready to help Haiti: PM". CanWest News Service (canada.com). http://www.canada.com/news/Earthquake+wreaks+havoc+Haiti/2433727/story.html. Nakuha noong 13 January 2010. 
  23. Foreign Staff, The Times (13 January 2010). "Thousands feared dead as huge earthquake destroys Haiti presidential palace". The Times. http://www.timesonline.co.uk/tol/news/world/us_and_americas/article6985798.ece. Nakuha noong 13 January 2010. 
  24. http://edition.cnn.com/2010/WORLD/americas/01/12/haiti.earthquake/index.html news about the earthquake on CNN
  25. "Haiti earthquake: thousands feared dead". The Daily Telegraph. 13 January 2010. http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/centralamericaandthecaribbean/haiti/6977931/Haiti-earthquake-thousands-feared-dead.html. 
  26. "Appeals for aid after quake strikes Haiti", CNN (13 January 2010), retrieved 13 January 2010.
  27. http://www.msnbc.msn.com/id/16459449/
  28. "Clinton says U.S. pledges quake help for Haiti". Reuters. 2010-01-12. http://www.reuters.com/article/idUSTRE60C08A20100113?type=politicsNews. Nakuha noong 2010-01-13. 
  29. US sending rescue teams to Haiti after big quake
  30. USAID Responds Immediately to Haiti Earthquake
  31. Associated Press; Global and Mail update (12 January 2010). "Strong quake strikes Haiti, leaves disaster in its wake". The Globe and Mail. http://www.theglobeandmail.com/news/world/strong-quake-strikes-haiti-leaves-disaster-in-its-wake/article1428806/. Nakuha noong 13 January 2010. 
  32. http://www.hurriyet.com.tr/dunya/13460958.asp?gid=229
  33. http://www.iresc.org/
  34. "Human Development Report 2009 Haiti", United Nations Development Programme, retrieved 13 January 2010.
  35. "Travel Advice – Haiti", Smartraveller: The Australian Government's travel advisory and consular assistance service, retrieved 13 January 2010.
  36. Renois, Clarens (12 January 2010). "Fears of major catastrophe as 7.0 quake rocks Haiti". Agence France-Presse. http://www.google.com/hostednews/afp/article/ALeqM5gV7dSp1H3MOP1oJjqeolVcym8J8g. Nakuha noong 13 January 2010.