Lipad 2937 ng Bashkirian Airlines

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
BashTuDHL757.png
Memorial tablet „Die zerrissene Perlenkette“
Memorial tablet
Memorial place Überlingen

Ang Lipad 2937 ng Bashkirian Airlines ay isang Rusong eroplanong nakabangga ng isang eroplanong pangkargo ng DHL noong Hulyo 1, 2002, 2135 (UTC), malapit sa bayan ng Überlingen, malapit sa Lawa ng Katiyagaan (Lake Constance) sa Alemanya. Bumagsak ang dalawang eroplano na nakapatay sa lahat na nakasakay. Mga problema sa sistemang pampigil ng trapikong himpapawid (air traffic control) ang naging dahilan ng sakuna.

Vitalij Kaloev[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Vitalij Kaloev (Siriliko: Виталий Калоев) ay isang arkitektong Ruso. Siya ang inaakusahang pumatay sa Danes na tagapigil ng trapikong himpapawid (air traffic controller) na si Peter Nielsen sa Zürich, Switzerland. Sinasabing dulot ito ng mga taon ng matinding paghahapis sa pagkamatay ng kaniyang buong pamilya sa pagbagsak ng Lipad 2937 sa Überlingen. Nananatili siyang nakakulong sa Switzerland habang itinitiyak kung maaari siyang hukumin.

Ang kuwintas ng bakal sa Überlingen—mga malalaking bola ng bakal na ipinagdugtong ng mga yerong ipinilipit—na inaalay sa alaala ng mga batang naglaho sa Lipad 2937, ay hango sa putol na kuwintas ng anak na babae ni Kaloev, ang kuwintas na nahanap ni Kaloev sa mga wasak.

Mga kawing palabas[baguhin | baguhin ang batayan]


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.