Lorenzo de' Medici

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lorenzo de' Medici

Larawan ni Lorenzo de' Medici na ipininta ni Agnolo Bronzino (kilala rin bilang Agnolo di Cosimo).
(Mga) asawa Clarice Orsini

Mga anak

Lucrezia de' Medici
Piero de' Medici
Maddalena de' Medici
Contessina Beatrice de' Medici
Giovanni de' Medici, Papa Leon X
Luisa de' Medici
Contessina de' Medici
Giuliano de' Medici, Duke ng Nemours
Buong pangalan
Lorenzo di Piero de' Medici
Mag-anak na maharlika Medici
Ama Piero ang Mapiyo
Ina Lucrezia Tornabuoni
Kapanganakan 1 Enero 1449(1449-01-01)
Florencia, Republika ng Florencia
Kamatayan 9 Abril 1492 (edad 43)
Careggi, Republika ng Florencia

Si Lorenzo de' Medici (1 Enero 1449 – 9 Abril 1492), na ang buong pangalan ay Lorenzo di Piero de' Medici, ay isang Italyanong politiko at pinunong de facto ng Republikang Florentino noong Italyanong Renasimiyento.[1] Siya ay kilala bilang Lorenzo ang Magnipiko (Lorenzo il Magnifico) ng mga kontemporaryong Florentino. Siya ay isang diplomata, politiko, patron ng mga skolar, magsisining, at mga manunula. Marahil, siya ay pinakakilala para sa kanyang ambag sa daigdig ng sinig na nagbibigay ng malalaking mga halaga ng salapi sa mga magsisining upang lumikha sila ng mga gawang maestro ng sining. Ang kanyang buhay ay kasabay ng mataas punto ng hinog na yugton ng Italyanong Renasimiyento. Ang kanyang kamatayan ay kasabay ng pagwawakas ng Ginintuang Panahon ng Florence. [2] Ang marupok na kapayaan na kanyang tinulungang panatilihin sa pagitan ng iba't ibang mga estadong Italyano ay gumuho sa kanyang kamatayan. Siya ay inilibing sa Kapilyang Medici sa Florence.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Kent, F.W. (2006). Lorenzo De' Medici and the Art of Magnificence. USA: JHU Press. pp. 248. ISBN 0-8018-8627-9. 
  2. Gene Brucker, Living on the Edge in Leonardo's Florence, (Berkeley: University of California Press, 2005), pp. 14-15.