Lumang Kaharian ng Ehipto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Lumang Kaharian ng Ehipto ang pangalang ibinigay sa panahon noong 3000 BCE nang ang Ehipto ay nagkamit ng unang tuloy tuloy na tugatog ng kabihasnan sa kasalimuotan at pagtatamo. Ito ang una sa tinatawag na mga panahong "Kaharian" na nagmamarka sa pinakamatataas ng mga punto ng kabihasnan sa mababang Lambak Nilo(Ang dalawa pang iba ang Gitnang Kahariang Ehipto at Bagong Kahariang Ehipto. Ang terminong ito ay inimbento ng mga historyan noong ika-19 siglo CE at ang pagtatangi sa pagitan ng Lumang Kaharian ang Panahong Simulang Dinastiko ng Ehipto ay hindi makikilala ng mga Sinaunang Ehipsiyo. Hindi lamang na ang huling hari ng Panahong Simulang Dinastiko ay kamag-anak ng unang mga dalawang hari ng Lumang Kaharian kundi ang kabisera na tirahan ng hari ay nanatili sa Ineb-Hedg na pangalan ng Sinaunang Ehipto para sa Memphis. Ang pangangatwiran para sa paghihiwalay sa pagitan ng dalawang panahon ang rebolusyonaryong pagbabago sa arkitektura na sinamahan ng mga epekto sa lipunang Ehipsiyon at ekonomiya sa malalakihang mga proyekto ng pagtatayo. Ang Lumang Kaharian ay pinakakaraniwang tinuturing na panahon mula sa Ikatlong Dinastiya hanggang sa Ikaanim na Dinastiya(2686 BCE – 2181 BCE). Marami ring mga ehiptologo ang nagsasama ng Ikapitong Memphite na Dinastiya at Ikawalong Dinastiya sa Lumang Kaharian bilang pagpapatuloy ng pamamahala na sentralisado sa Memphis. Bagaman ang Lumang Kaharian ang panahon ng panloob na seguridad at kasaganaan, ito ay sinundan ng panahon ng hindi pagkakaisa at relatibong pagbagsak ng kultura na tinatawag ng mga Ehiptologo na Unang Pagitang Panahon ng Ehipto. Sa panahon ng Lumang Kaharian, ang hari ng Ehitpo(hindi pa tinatawag na paraon hanggang sa Bagong Kaharian) ay naging isang buhay na diyos na absolutong namumuno at maaaring mag-atas ng mga serbisyo at kayamanan ng kanyang mga nasasakupan. Sa ilalim ni Haring Djoser na unang hari ng Ikatlong Dinastiya ng Lumang Kaharian, ang kabiserang panghari ng Ehipto ay inilipat sa Memphis kung saan itinatag ni Djoser ang kanyang korte. Ang bagong panahon ng pagtatayo ay sinimulan sa Saqqare sa ilalim ng kanyang paghahari. Ang arkitekto ni Haring Djoser na si Imhotep ay itinuturo na nagpaunlad ng pagtatayo gamit ang bato at sa pagiisip ng bagong anyo ng arkitektura na mga pyramid na hakban. Ang katunayan, ang Lumang Kahrian ay pinakakilala para sa maraming bilang ng mga pyramid sa panahong ito bilang mga libingan ng mga paraon.Dahil dito, ang Lumang Kaharian ay itinuturing na "Panahon ng mga Pyramid".