Lumang Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tumuturo rito ang Lumang Tagalog, para sa mas nauna pang anyo ng wikang Tagalog pumunta sa Sinaunang Tagalog, na kilala rin bilang abyang.

Ang Lumang Tagalog ay ginamit bago ang paggamit ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.

Sinaunang Tagalog[baguhin]

Ang sinaunang Tagalog ang anyo ng Tagalog na ginamit noong sinaunang panahon. Kabilang dito ang makikita sa Sulat ng Platong Tanso ng Laguna.

Pagkakahirang ng Tagalog bilang pambansang wika[baguhin]

Bagaman ang Cebuano ay sinasalita ng 40% sa bansa sa katimugan nito, ang Tagalog ay hinirang na pambansang wika noong 1939. Ang Tagalog ay tinawag na Pilipino noong 1959, ngunit ito ay itinuturing na Tagalog pa rin. Sa mga dekada 1950 hanggang 1960, may mga hindi matagumpay na demanda na dinala sa mga hukuman upang pigilan ang pagtuturo ng nakasalig sa Tagalog na "Pilipino". Gayunpaman, kahit walang suporta sa mga paaralan sa Kabisayaan, ang pang-kalyeng Tagalog ay madaling natutunan sa pamamagitan ng mga komiks, telebisyon, radyo at mga pelikula. Bilang resulta, ang Tagalog ay kumalat kahit sa mga sentrong panlunsod na nagsasalita ng mga Cebuano kahit pa may pagtutol ang mga lokal na politiko dito. Noong mga 1970, 55.3 ng populasyon ay kahit papaano nakagagamit ng pang-kalyeng Tagalog.

Puristang Tagalog[baguhin]

Ito ay inimbento noong mga dekada 1950 hanggang 1960 ng Surian ng Wikang Pambansa na pinanaigan ng mga purista.[1]

Mga halimbawa[baguhin]

Narito ang ilang mga halimbawa pati ang katumbas ng mga ito sa Ingles:

Tagalog Kastila o Ingles ng Tagalog Ingles
agamahan relihiyon religion
agapayang kabit koneksiyong paralel parallel connection
agapayang salikop parallel circuit
agbarog arkitekto architect
agham siyensiya science
aghamtao antropolohiya anthropology
aghimuin teknikal technical
agimatan ekonomika economics
agsikapin inhinyero engineering
alaala memoriya memory
aligin baribulo variable
alisbahabaybata hysterectomy
alunig resonasya resonance
angkan pamilya family
anluwage karpintero carpenter
awanggan inpidad infinity
awanging tubo tubong bakum vacuum tube
bahagimbilang praksiyon fraction
balamban membrane
balidasig negative acceleration
balikhaan regenerasyon regeneration
balintataw pupil
balisultag involution
balisuplingan reproduksiyon reproduction
balnian magnetika magnetics
basisig lakas na sentripugalo centrifugal force
bathalaan teolohiya theology
batidwad telegram
batlag kotse car
batnayan philosophy
bilnuran aritmetiko arithmetic
binhay germ
buhagsigwasan pneumatika pneumatics
buumbilang  ? integer
buturan nukleonika nucleonics
dagibalniing liboy kulot na elektromagnetiko electromagnetic waves
dagikapnayan elektrokemistrya electrochemistry
dagilap radioactivity
dagindas elektroda electrode
dagisik elektrono electron
dagisikan elektronika electronics
dagitab elektikidad electricity
dagsa momento momentum
dagsin grabidad gravity
dagap sum
dakbatlag truck
daklunsod metropolis
daksipat telescope
daktinig earphone, headphone, loudspeaker
dalas prekwensiya frequency
dalubaral scholar
dalubbanwahan pampolitika na agham political science
dalubbatasan batas na agham science of law
dalubhalmanan botanya botany
dalubhasaan college, institute
dalubhayupan solohiya zoology
dalubibunan ornithology
dalub-isipan psikolohiya psychology
dalublahian ethonolohiya ethnology
dalubsakahan agrikultura agriculture
dalubsakit-babae hinekolohiya gynecology
dalubtalaan astronomya astronomy
dalub-ulnungan sosiolohiya sociology
dalubtauhan antropolohiya anthropology
dalubulnungan sosyolohiya sociology
dalubwikaan linguistika linguistics
dalwikaang bilingual
damikay polinomial polynomial
dantaon siglo century
dantay impulsa impulse
danumsigwasan hidraulika hydraulics
dasig acceleration
dawit industansiya inductance
dihaying walang organikong kimika inorganic chemistry
disaluyan wala konduktor nonconductor
duhakay binomial binomial
duhandas dioda diode
duyog elipsa ellipse
gilis hipotenusa hypotenuse
gitisig lakas na sentripetal centripetal force
habyog torka torque
hagibis velocity
hagway proportion
hambinging bigat bigat na spekipiko specific weight
hangganan limit (mathematics)
hatimbutod mitosiso mitosis
hatinig telepono telephone
hatintaon semestre semester
haying organikong kimika organic chemistry
haykapnayan biyokimika biochemistry
hayliknayan biyopisika biophysics
haynayanon biyolohista biologist
haynayan
(buhay-hanayan)
biyolohiya biology (buhay-hanayan)
himatay apopleksya apoplexy
hinuha hypothesis
humihigop vacuum
hunain theorem
ibutod nukleolus nucleolus
initan kumpas beat
initsigan termodinamika thermodynamics
isakay monomial monomial
ishay bacteria
isigan dimanika dynamics
kaalkahan alkalinidad alkalinity
kaasdan akididad acidity
kabatas batas na ? law enforcer
kabisa function (mathematics)
kabtol lipat switch
kabuuran nucleus
kapnayan
(sangkap-hanayan)
kimika chemistry
kapnayang kayarian strukturang kimikal chemical structure
kapnayanon kimik chemist
kasagwilan resistibidad resistivity
kasalukuyan digmaan prediction
katiktik detektiba detective
kuntadurya akwant accounting
lahatan pangkalahatang kimika general chemistry
laktod maikling paligid short circuit
lapya palno plane
larang ekwilibryo equilibrium
laumin integral integral
liboy dayulon wave
libuyhaba habang dayulon wavelength
liknayan
(likas-hanayan)
pisika physics
lulan kapasitansiya capacitance
lulos hakbangan bypass
lunduyang-saliksik sentrong pananaliksik research center
malabuntala planetoid planetoid
malasaluyan semikonduktor semiconductor
mikhay mikroba microbe
mikhaynayan mikrobiyolohiya microbiology
miksipat mikroskopyo microscope
miksipatin mikroskopiko microscopic
miktataghay mikroorganismo microorganism
miktinig mikropono microphone
mulapik
(mulaang-butil)
molekulo molecule
mulhagi elemento (matematika) element (math)
mulhay protosowa protozoan
mulpikan atomikong pisika atomic physics, atomics
mulsakitin patogeniko pathogenic
nagugulugudan bertebrado vertebrate
palaasalan etnika ethnics
palabaybayan ortograpya orthography
paladutaan heolohiya geology
palasantingan aestetika aesthetics
palasihayan kitolohiya cytology
palasigmuan mekanismo mechanism
palatangkasan teoriyang nakatakda theory of sets
set algebra
palatumbasan teoriyang ekwasyon theory of equations
palautatan statistika statistics
pamahagi denominator denominator
pamilang numeral numeral
panakda numerator numerator
panakwil resistor resistor
panandaan alhebra algebra
panawit induktor inductor
panghadlang insulator insulator
pangibayo amplipier amplifier
panlulan kapasitor capacitor
panulatan sulat writing
pariugat kwadrat na ugat square root
sabansain nasyunalista nationalize
sakwil resistansiya resistance
saliding saloy alternatibang kasalukuyan alternating current
saligwil transistor transistor
salikop sirkwit circuit
salipawpaw eruplano airplane
saloy kasalukuyan current
salumpuwit silya chair
saluyan konduktor conductor
sanyo baribulo variable
sayad ilalam ground
sigwasan mekanika mechanics
siksin matatag solid
sipnayan
(isip-hanayan)
matematika mathematics
sugaan optika optics
suglamuman potosintesiso photosynthesis
sukatan
(sukating kapnayan)
kwantitatibang kimika quantitative chemistry
sukgisan heometrya geometry
sulatroniko email email
sunurang kabit seryang koneksiyon series connection
tablay elektrikong singil electric charge
tadlong perpendikular perpendicular
talukay trinomial trinomial
talundas trioda triode
tatsihaan trigonometrya trigonometry
tayahan kalkulo calculus
tigal intertya intertia
tigilan statika statics
tikop kirkumperensiya circumference
timbulog sperykal spherical
tingirin diferensiyal differential
tugoy oskilasyon oscillation
tugoysipat oskilaskopa oscilloscope
tumbasan ekwasyon equation
tunugan akustika acoustics
tuwirang saloy idirektang kasalukuyan direct current
urian
(uriing kapnayan)
kwalitatibang kimika qualitative chemistry

Modernong Filipino[baguhin]

Noong 1973, ang Pilipino ay pinalitan ng "Filipino" upang ang pambansang wika ay kumatawan sa lahat ng mga Pilipino at hindi lamang ng mga nagsasalita ng Tagalog na walang tunog na "f". Ang pagpapangalang ito ay naghudyat rin ng bagong saloobin sa pagbuo ng pambansang wika. Ito ay wala na sa kamay ng mga "purista". Ang mga salita at tunog mula sa ibang wika ay maaari nang gamitin kabilang ang Ingles at Kastila.[1] Sa mga praktikal na termino, ang Filipino ang pormal na pangalan ng Tagalog o ka-magkasingkahulugan nito.

Mga halimbawa ng panitikang gumamit ng Lumang Tagalog[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]