Lungsod ng Kabite

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Cavite
—  Lungsod  —

Sagisag
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Cavite
Lungsod ng Kabite is located in Philippines
Lungsod ng Cavite
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°29′N 120°54′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga coordinate: 14°29′N 120°54′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Rehiyon IV-A)
Lalawigan Cavite
Distrito Unang distrito ng Cavite
Mga barangay 84
Pagkatatag Mayo 6, 1571
Ganap na Lungsod Setyembre 7, 1940
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Romeo G. Ramos
Laki
 • Kabuuan 10.89 km2 (4.20 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 101,120
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kaurian ng kita Ikaapat na uri ng lungsod; urbanisado, Bahaging lungsod, Nakakartang lungsod
Websayt http://www.cavitecity.gov.ph

Ang Lungsod ng Cavite ay isa sa tatlong lungsod sa lalawigan ng Cavite. Ang Lungsod Cavite ay ang kabisera ng Lalawigan ng Cavite bago ito ilipat sa Lungsod ng Trece Martires noong 1954. Ang makasaysayang isla ng Corregidor at ang ibang batuhan at pulo sa bunganga ng Look Maynila ay napasasailalim sa pamumunong lokal ng Lungsod.

Matatagpuan ang lungsod 35 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ang bayan ng Noveleta ay nasa timog ng lungsod. Nasa isang hugis-kawit na tangway sa bandang hilaga ng lalawigan, pinaliligiran ang lungsod ng tatlong look, ang Look Maynila sa kanluran, ang Look ng Bacoor sa timog-silangan at ang Look Cañacao sa hilagang-silangan. Ang lungsod ay nahahati sa limang distrito: Dalahican, Santa Cruz, Caridad, San Antonio, and San Roque. Ang mga distritong ito ay nahahati pa sa walong (8) sona na may kabuuang walumpu't apat (84) na barangay. Ang Base Militar ng Sangley Point ay nasa lungsod at makikita sa pinakahilagang bahagi ng tangway. Nagsilbi itong base militar ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, at ngayon ito ay ginagamit ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Ayon sa talaang bayan noong taong 2010, ang Lungsod ng Cavite ay may bilang ng 101,120.

Lungsod ng Cavite



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.