Makati

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Makati)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
City of Makati
Lungsod ng Makati
Makati
(Mula sa itaas, sa kaliwa pakanan): panoramang urbano ng Makati sa gabi, punong tanggapan ng Bank of the Philippine Islands, Abenida Ayala, Greenbelt Mall, Bantayog ni Ninoy Aquino, tren ng MRT, bahagi ng EDSA sa Guadalupe

Sagisag
Nickname(s): The Financial Capital of the Philippines; The Wall Street of the Philippines; "Metro Manila's Central Business District"
Motto: Makati, Mahalin Natin, Atin Ito
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinapakita ang lokasyon ng lungsod ng Makati
Coordinates: 14°33′N 121°2′E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Pambansang Punong Rehiyon
Lalawigan Wala (Dating parte ng Rizal hanggang 1975)
Mga distrito Ang dalawang distrito ng lungsod ng Makati
Barangays 33
Itinaguyod (bayan) 1 Hunyo 1670
Itinaguyod (lungsod) 2 Enero 1995
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Jejomar Erwin "Junjun" S. Binay (2010-2013; PDP-Laban)
 • Pangalawang Punong Lungsod Romulo "Kid" Peña (2010-2013; NP)
 • Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod ng Makati Monique Yazmin Q. Lagdameo (2010-2013; PDP-Laban)
 • Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Makati Mar-Len Abigail "Abby" S. Binay (2007-2013; PDP-Laban)
Laki
 • Kabuuan 27.36 km2 (10.56 sq mi)
Taas 15.4 m (50.5 ft)
Populasyon (2007)
 • Kabuuan 510,383
Sona ng oras Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+8)
kodigong ZIP 1200 hanggang 1299
Area code(s) 2
Websayt www.makati.gov.ph

Ang Makati ay ang isang lungsod ng Pilipinas at ay isang lungsod na parte ng Kalakhang Maynila. Ito ay ang sentro ng pananalapi at negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang Makati Central Business District o MCBD. Maraming mga maimpluwensiyang mga negosyante tulad ng pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati itong matatagpuan sa lalawigan ng Rizal ngunit inilipat ito sa Kalakhang Maynila noong 1975. Tinatawag itong Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (Financial Capital of the Philippines).

Kasaysayan[1][baguhin]

Noong 1470, nasa ilalim ng pamumuno ni Lakan Tagkan at ng kanyang maybahay na si Bouan ang lugar na sakop ngayon ng Makati.

Nakita ni kongkistador Miguel Lopez de Legaspi ang lugar noong 1571 at itinanong sa mga katutubo ang pangalan ng lugar. Sumagot ang mga katutubo ng “Makati-na” sa pag-aakalang ang itinatanong ay ang Ilog Pasig.

Noong 1578 hanggang 1670, napasailalim ang “visita”, isang distrito ng Sta. Ana de Saya sa pamamahala ng isang paring Fransiscanong si Pedro de Makati. Tinawag ang lugar na “Sampiro”.

Kumita ang San Pedro de Makati o Sampiro sa pagbebenta ng paso noong 1608.

Naging isang bayan ng Maynila ang San Pedro de Makati noong 1890.

Nagkaroon ng isang pangulong municipal ang Makati matapos ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1900.

Noong 11 Hulyo 1901, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt ng Pilipinas Blg. 137, isinama ang Makati sa lalawigan ng Rizal.

Noong 28 Pebrero 1914, itinakda ng Batas Lehislatura ng Pilipinas Blg. 2390 ang pagpapalit ng pangalang San Pedro de Makati sa Makati, na naging opisyal na pangalan nito.

Noong 1937, itinatag ang unang paliparan sa Timog-Silangang Asya, ang Toreng Neilson.

Itinayo ang Makati Commercial Center noong 1956.

Itinayo ang bagong gusali ng pamahalaang lokal noong 1962.

Itinalaga ni Pangulong Corazon Aquino si Jejomar C. Binay bilang OIC ng Makati. Nahalal siyang punong-bayan noong 1988. Muli siyang nahalal noong 1992, 1995, 2001 at 2004.

Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Batas Republika Blg. 7854 noong 2 Enero 1995 na ginawang lungsod ang Makati. Pinagtibay ito ng mga mamamayan sa isang plebisito noong 4 Pebrero 1995.

Mga Barangay[baguhin]

Barangay Populasyon (2004) Sukat (km2) Distrito
Bangkal 22,433 0.74 Ika-1
Bel-Air 9,330 1.71 Ika-1
Carmona 3,699 0.34 Ika-1
Cembo 25,815 0.22 Ika-2
Comembo 14,174 0.27 Ika-2
Dasmariñas 5,757 1.90 Ika-1
East Rembo 23,902 0.44 Ika-2
Forbes Park 3,420 2.53 Ika-1
Guadalupe Nuevo 22,493 0.57 Ika-2
Guadalupe Viejo 13,632 0.62 Ika-2
Kasilawan 6,224 0.09 Ika-1
La Paz 8,843 0.32 Ika-1
Magallanes 7,509 1.20 Ika-1
Olympia 20,172 0.44 Ika-1
Palanan 16,614 0.65 Ika-1
Pembo 35,035 1.23 Ika-2
Pinagkaisahan 6,186 0.16 Ika-2
Pio del Pilar 22,495 1.20 Ika-1
Pitogo 13,367 0.14 Ika-2
Poblacion 8,446 0.46 Ika-1
Post Proper Northside 1,475 0.45 Ika-2
Post Proper Southside 25,037 0.60 Ika-2
Rembo 12,226 0.89 Ika-1
Rizal 37,022 Ika-2
San Antonio 12,226 0.89 Ika-1
San Isidro 8,686 0.50 Ika-1
San Lorenzo 6,487 2.09 Ika-1
Santa Cruz 7,419 0.47 Ika-1
Singkamas 6,226 0.13 Ika-1
South Cembo 13,570 0.20 Ika-2
Tejeros 16,820 0.29 Ika-1
Urdaneta 3,817 0.74 Ika-1
Valenzuela 5,908 0.24 Ika-1
West Rembo 28,889 0.55 Ika-2
Tanaw ng Makati
Magnify-clip.png
Tanaw ng Makati

Mga Sanggunian[baguhin]

  1. Modyul ng Makati. Pamahalaan ng Makati. 2006. 




PilipinasKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.