MAJOR

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


MAJOR
Genre Palakasan, Drama
Manga
Tagalikha Takuya Mitsuda
Tagalathala Shogakukan
Magasin Weekly Shōnen Sunday
Orihinal na Pagpapalabas 19942010
Bolyum 78
Telebisyong Anime
Major
メジャー (Mejā?)
Direktor Ken'ichi Kasai
Toshinori Fukushima
Studyo Studio Hibari
Istasyon NHK, NHK-E
Orihinal na Pagpapalabas 13 Nobyembre 200425 Setyembre 2010
Kabanata 154
Pelikulang Anime
Major: Yūjō no Winning Shot
Direktor Takao Kato
Studyo Xebec
Shogakukan-Shueisha Productions
Inilabas noong 13 Disyembre 2008
Oras ng pagpapalabas 120 minutes
Ang Portada ng Anime at Manga


Ang MAJOR ay isang seryeng manga sa bansang Hapon na inilikha ni Takuya Mitsuda. Inilathala ito sa magasing Shōnen Sunday mula sa taong 1994 hanggang 2010 at mayroon itong kabuuang 78 bolyum na tankōbon. Noong taong 1996, ito ay pinarangalan ng Shogakukan Manga Award para sa shonen.[1]

Nilikha ng NHK at Studio Hibari ang isang seryeng anime na hango mula sa istorya ng seryeng manga na ito. Ito ay may pamagat na Major (メジャー Mejā?), na gumamit ng mga karakter na katakana sa halip na gamitin ang mga karekter na Ingles mula sa manga. Nagkaroon ito ng anim na season mula sa taong 2004 hanggang sa taong 2010. Bukod dito, isang pelikulang anime ang ipinalabas noong 13 Disyembre 2008, at nakasentro ito sa naganap sa kalagitnaan ng una at pangalawang season.

Tatlong Original Video Animation (OVA) rin ang ipinalabas pagkatapos ng orihinal na pag-ere ng seryeng anime. Ang unang OVA ay ipinalabas kasunod ng paglabas ng huling bolyum ng seryeng manga noong Disyembre 2010.[2] Ang pangalawa at pangatlong OVA ay ipinalabs noong 16 Disyembre 2012 at 18 Enero 2012, at ang istorya nito ay tungkol sa World Series.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]