Majulah Singapura

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Majulah Singapura
Ingles: Onward Singapore
Singapore National Anthem at the National Museum, Singapore - 20100720.jpg
Isang de-manong iskor ng "Majulah Singapura" na nakalantad sa Pambansang Museo ng Singapore
Pambansang awit ng Watawat ng Singapore Singapore
Mga titik Zubir Said, 1958
Musika Zubir Said, 1958
Pinagtibay 1959
Music sample

Ang "Majulah Singapura" ("Sulong, Singapore") ay ang pambansang awit ng Singapore. Isinulat ni Zubir Said ang tunog nito noong 1958 bilang isang awiting tema para sa mga opisyal na pangyayari ng Sangguniang Panlungsod ng Singgapur, at napili ito noong 1959 bilang awit ng pulo kapag nakamit na nito ang sariling pamahalaan. Sa pagkalaya nito noong 1965, pormal na pinagtibayan ang "Majulah Singapura" bilang pambansang awit ng Singgapur. Ayon sa batas, maaari lamang awitin ang awit sa orihinal na titik na ito sa Malay, bagama't may umiiral na autorisadong salin sa tatlong ibang opisyal na wika ng Singapore ang awit: sa Ingles, Mandarin at Tamil.

Orihinal na isinaayos ang awit sa palatunuhang G mayor, ngunit sa 2001 muling ipinalunsad ang pambansang awit sa mas mababang palatunugan na F mayor dahil pinapahintulutan nito ang "mas enggrande at mas masigyang pagsasaayos".

Regular na itinatanghal o inaawit ang awit sa mga paaralan at kampo militar sa mga seremonyang itinatanghal sa simula o dulo ng bawat araw, kung saan itinataas o ibinababa ang pambansang watawat at ibinibigkas ang pambansang panunumpa. Hinihikayat din ang mga taga-Singapore na awitin ang pambansang awit sa panahon ng mga pambansang pagdiriwang o mga pangyayaring may kahalagahan sa buong bansa, tulad ng Parada ng Pambansang Araw (National Day Parade), sa pagdaraos ng mga pagdiriwang ng Pambansang Araw na inilulunsad ng mga paaralan at kagawaran ng pamahalaan, at sa mga kaganapang pampalakasan kung saan nakikilahok ang mga koponan ng Singapore.

Panitik[baguhin]

Malay (Opisyal na Titik) Salin sa Ingles Salin sa Tsino Salin sa Tamil

Mari kita rakyat Singapura
Sama-sama menuju bahagia
Cita-cita kita yang mulia
Berjaya Singapura

Marilah kita bersatu
Dengan semangat yang baru
Semua kita berseru
Majulah Singapura
Majulah Singapura

Marilah kita bersatu
Dengan semangat yang baru
Semua kita berseru
Majulah Singapura
Majulah Singapura

Come, fellow Singaporeans
Let us progress towards happiness together
May our noble aspiration bring
Singapore success

Come, let us unite
In a new spirit
Let our voices soar as one
Onward Singapore
Onward Singapore

Come, let us unite
In a new spirit
Let our voices soar as one
Onward Singapore
Onward Singapore

来吧,新加坡人民,
让我们共同向幸福迈进;
我们崇高的理想,
要使新加坡成功。

来吧,让我们以新的精神,
团结在一起;
我们齐声欢呼:
前进吧,新加坡!
前进吧,新加坡!

来吧,让我们以新的精神,
团结在一起;
我们齐声欢呼:
前进吧,新加坡!
前进吧,新加坡!

சிங்கப்பூர் மக்கள் நாம்
செல்வோம் மகிழ்வை நோக்கியே
சிங்கப்பூரின் வெற்றிதான்
சிறந்த நம் நாட்டமே

ஒன்றிணைவோம் அனைவரும்
ஓங்கிடும் புத்துணர்வுடன்
முழங்குவோம் ஒன்றித்தே
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்

ஒன்றிணைவோம் அனைவரும்
ஓங்கிடும் புத்துணர்வுடன்
முழங்குவோம் ஒன்றித்தே
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்
முன்னேறட்டும் சிங்கப்பூர்