Malaking Baha
Ang Mitolohiya ng Malaking Baha[1] o Ang Baha[1] ang mitolohiya o relihiyosong kwento ng isang delubyo o dakilang baha na ipinadala ng diyos o mga diyos upang wasakin ang sangkatauhan bilang akto ng paghihiganti ng diyos. Ang temang ito ay laganap sa maraming mga kultura bagaman ito ay pinakakilala sa makabagong panahon sa mga kwento sa Bibliya at Quran ng Arko ni Noe, sa mga mitolohiya ng Quiché at Maya, sa Deucalion sa Mitolohiyang Griyego, sa kwento ni Utnapishtim sa Epiko ni Gilgamesh ng Babilonya at sa kwentong Hindu ni Manu.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kwento ng baha sa iba't ibang kultura
[baguhin] Epiko ni Gilgamesh
Ang Epiko ni Gilgamesh ay naglalaman ng storya ni Ut-Napishtim na inutusan ng dios na si Ea na gumawa ng arko upang iligtas ang kanyang pamilya at mga hayop sa isang delubyo(baha) na ipapadala ng dios na si Enlil dahil sa kanyang galit sa sangkatauhan. Pagkatapos ng pitong araw nang tumila ang baha, si Ut-Napishtim ay nagpalipad ng kalapati at uwak upang tingnan kung wala nang tubig. Nang matuyo ang baha, ang arko ni Ut-Napishtim ay lumapag sa Bundok Nisir(kasalukuyang tinatawag na Pir Magrun sa Iraq). Si Ut-Napishtim ay naghandog naman ng tupa at naamoy ng mga dios ang mabangong samyo nito.
[baguhin] Sumerian
Pagkatapos ng nawalang seksiyon sa tableta, mababasang ang mga diyos ay nagpasyang hindi na iligtas ang sangkatauhan sa isang darating na baha. Si Zi-ud-sura na hari at saserdote(priest) na gudug ay nalaman ito. Sa kalaunang bersiyong Akkadian, si Ea o Enki sa Sumerian na diyos ng mga tubig ay nagbabala sa bayani(hero) na si Atra-hasis at binigyan ito ng mga instruksiyon para sa pagtatayo ng arko. Ang seksiyong ito ay wala sa pragmentong Sumerian ngunit ang pagbanggit kay Enki na kumukuha ng payo sa kanyang sarili ay nagmumungkahing ito din ang papel ni Enki sa bersiyong Sumerian. Nang nagpatuloy sa paglalahad ang tableta, ito ay naglalarawan ng isang baha. Ang isang bagyo ay kumalampag sa malaking arko sa loob ng pitong araw at gabi. Pagkatapos nito, si Utu na diyos ng araw ay lumitaw at si Zi-ud-sura ay lumikha ng isang bukanan sa bangka, nagpanikluhod at naghandog ng tupa at baka dito. Pagkatapos ng isa pang patlang, ang teksto ay nagpatuloy sa paglalahad. Ang baha ay maliwanag na tapos na, ang mga hayop ay umahon sa arko at si Zi-ud-sura ay nagpanikluhod sa harap ng diyos ng kalangitan at ni Enlil na puno(chief) ng mga diyos. Siya ay binigyan ni Enlil ng walang hanggang buhay at dinala siya upang tumahan sa Dilmun dahil sa pag-iingat nito sa mga hayop at sa binhi ng sangkatauhan. Ang natitirang bahagi ng tableta ay naglaho na.
[baguhin] Arko ni Noe
[baguhin] Sa Bibliya
Ayon sa Bibliya, si Noe ay inutusan ng diyos na si Yahweh upang lumikha ng isang arko upang iligtas ang sarili nito ang pamilya nito sa isang bahang ipadadala ni Yahweh dahil sa kasamaan ng mundo. Si Noe ay inutusan na magdala ang isang pares ng mga babae at lalake ng lahat ng hayop sa Genesis 6:19-20. Ito ay salungat naman sa Genesis 7:2-3 na ang inutos kay Noe na ipasok sa arko ay pitong pares ng malinis na babae at lalakeng hayop at isang pares ng maruming babae at lalakeng hayop. Pagkatapos na ipasok ang mga hayop, pumasok ni Noe at ng kanyang pamilya sa arko at umulan ng 40 araw at gabi. Ang ulan ay bumaha sa buong mundo sa loob ng 150 araw at ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay namatay. Nang tumila na ang baha, ang arko ay lumapag sa Bundok Ararat. Sa ikasampung buwan, ang mga tuktok ng bundok ay nakita na at si Noe ay nagpadala ng uwak at isang kalapati upang makita kung humupa na ang baha. Muling nagpadala si Noe ng isang kalapati ngunit hindi na ito bumalik. Pagkatapos ng mga isang taon, si Noe at ang kanyang pamilya ay lumabas sa arko. Pagkatapos nito ay nagtayo siya ng altar at sinamba si Yahweh sa pamamagitan ng mga inihaw na handog ng mga hayop. Si Yahweh ay nagalak sa samyo ng mga handog na ito at nangakong hindi na muling wawasakin ang lahat ng mga buhay na nilalang.
Ayon sa mga modernong skolar ng Bibliya, ang kwento ni Noe sa Bibliya ay direktang binase o kinopya sa kwentong Babilonia na Epiko ni Gilgamesh na mas naunang isinulat sa Bibliya. [2] [3] Ang storya ni Noe ay isang pinagtagni-tagning teksto na ang ilang mga bahagi ay nagmula sa pinagkunang Jahwist( at ang ilan sa pinagkunang Saserdoteng teksto(priestly).[4] [5] Ang bersiyong Jahwist ay bumago sa teksto ng Babilonia upang ito ay umaayon sa teolohiyang monoteistiko.[2]
[baguhin] Sa Quran
Sa Quran, ang kwento ng baha ni Noe(Nuh sa Quran) ay inilahad sa dalawang kabanata na Sura 11 and Sura 71. Ayon sa Surah 11, ang arko ni Nuh ay lumapag sa Bundok Judi(al-Gudi).
[baguhin] Deucalion sa Mitolohiyang Griyego
Ang titan na si Prometheus ay nagpayo sa kanyang anak na si Deucalion na gumawa ng arko. Ang ibang mga tao ay napahamak maliban sa mga ilan na tumakas sa matataas na mga bundok. Ang mga bundok sa Thessaly ay nahati at ang lahat ng mundo na lagpas sa Isthmus at Peloponese ay binaha. Pagkatapos lumutang ng arko sa loob ng 9 araw at gabi, si Deucalion at ang kanyang asawang si Pyrrha ay lumapag sa Parnassus. Ang isang pang mas matandang bersiyon ay nagsaad na ang arko ni Deucalion ay lumapag sa Bundok Othrys sa Thessaly. Ang isang pang salaysay ay nagsaad na ang arko ay lumapag sa tuktok na malamang ay Phouka sa Argolis. Nang tumila ang ulan, si Deucalion ay naghandog sa supremong diyos na si Zeus. Sa utos ni Zeus, si Deucalion ay naghagis ng maliliit na bato sa likod niya at ang mga ito ay naging lalake at ang mga maliliit na batong inihagis ng kanyang asawa ay naging mga babae.
[baguhin] Manu sa Hinduismo
Ang Matsya Avatar ng Vishnu ay pinaniniwalaang lumitaw sa simula bilang isang Shapari(maliit na karpa) kay King Manu na hari ng Dravidades habang ito ay naghuhugas ng kanyang kamay sa ilog. Ang ilog na ito ay dapat dumadaloy pababa sa Mga Bundok ng Malaya sa lupain ng Dravida. Ang isang munting isda ay humingi ng tulong sa hari upang iligtas siya at sa kanyang habag ay inilagay ng hari ito sa isang bangang may tubig. Ang isdang ito ay patuloy na lumaki ng lumaki hanggang sa ilagay ito ni King Manu sa isang malaking pitsel at inilipat sa isang balon. Nang ang balon ay hindi na naging sapat sa patuloy na paglaki ng isdang ito, iniligay ito ng hari sa isang tanke. Nang patuloy pang lumaki ang isda, ito ay inilagay ng Hari sa ilog at nang hindi na rin naging sapat ang ilog ay inilagay ito ng Hari sa karagatan na pagkatapos nito ay halos mapuno nito ang buong kalawakan ng dakilang karagatan. Pagkatapos nito ay pinaalam ng isdang ito na si Panginoong Matsya sa Haring Manu na ang isang delubyo ay malapit ng dumating. Ang Hari ay gumawa ng isang malaking arko na titirhan ng kanyang pamilya, 9 na uri ng mga binhi, mga hayop upang muling punuin ang mundo pagkatapos na ang baha at ang mga karagatan at dagat ay huhupa. Sa panahon ng delubyo, si Vishnu ay lumnitaw bilang isang may sungay na isda at si Shesha ay lumitaw bilang isang lubid na ginamit ni Vaivavata upang itali ang arko sa sungay ng isda. Ayon sa Matsya Purana, ang arko ay lumapag sa tuktok ng Mga Bundok Malaya pagkatapos ng baha.
[baguhin] Pananaw siyentipiko
Ayon sa mga siyentipiko, ang pag-iral ng geologic column na mga patong na bato at fossil record ay nagpapakitang ang mga hayop ay hindi sabay sabay na umiral o sabay sabay na namatay gaya ng nangyari sa kwento ni Noe at iba pa. Ang sekwensiya ng mga stratang ito ay nagpapakitang ang mga simpleng organismo ay mas naunang umiral kesa sa mga komplikadong organismo. Ito ay maaaring ilarawan na sa pinakailalim na strata, ang mga hayop na makikita ay mga simpleng organismo gaya ng bacteria at habang tumataas sa strata ay nagiging mas komplikado ang mga hayop na makikita.[6] Bukod dito, sa dami ng species ng mga hayop sa kasalukuyang panahon,[7][8] imposibleng maipasok sa isang arko ang isang pares ng mga babae at lalake ng lahat ng hayop(Genesis 6:19-20) o pitong pares ng babae at lalakeng hayop na malilinis at isang pares ng babae at lalakeng maruming hayop(Genesis 7:2-3) ng mga milyon milyong mga species na ito upang magpatuloy na magparami pagkatapos ng baha. Imposible ring maipasok ni Noe ang mga hayop na katutubo sa mga lugar na malalayo gaya ng Kangaroo sa Australya, Polar bear sa north pole at marami pang iba gayundin ang mga hayop na sobrang laki gaya ng dinosaur at wooly mammoth. Dahil dito, ang kwentong ito at iba pang kwento ng delubyo ay itinuturing ng mga siyentipiko at skolar ng Bibliya na isang mito o hindi totoo dahil bukod sa walang ebidensiya para sa mga kwentong ito ay sinasalungat din ito ng agham at heolohiya.[9]
[baguhin] Tingnan din
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Babala ng Malaking Baha, Ang Baha". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 18, 19, at 21.
- ↑ 2.0 2.1 Van Seters, p.120
- ↑ source Genesis Noah flood narrative&f=false Rendsberg, p.120
- ↑ Campell&O'Brien, p.213
- ↑ Nicholson, p.120
- ↑ http://www.talkorigins.org/faqs/faq-noahs-ark.html#georecord
- ↑ http://animals.about.com/od/zoologybasics/a/howmanyspecies.htm
- ↑ http://www.guardian.co.uk/environment/2011/aug/23/species-earth-estimate-scientists
- ↑ "Noah's Flood" Not Rooted in Reality, After All?, National Geographic, February 6, 2009