Mandarangkal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mantodea
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Klase: Insecta
Subklase: Pterygota
Impraklase: Neoptera
Superorden: Dictyoptera
Orden: Mantodea
Mga pamilya

Chaeteessidae
Metallyticidae
Mantoididae
Amorphoscelididae
Eremiaphilidae
Hymenopodidae
Liturgusidae
Mantidae
Empusidae

Tungkol ito sa isang kulisap, para sa gawaing sumasamba, tingnan ang Pagsamba. Tingnan din ang Samba (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Mantis (paglilinaw).

Ang mandarangkal, mandadangkal, sasamba, o samba-samba (Ingles: mantis, praying mantis)[1][2][3] ay isang uri ng kulisap na gumagamit ng kanyang dalawang mahahabang kamay sa unahan para atakihin ang kalaban o sa pamamagitan ng paninila. Nangingitlog ang babaeng mandarangkal ng humigit sa 300 mga itlog. Hindi gaanong makalipad ang babaeng mandarangkal dahil sa dala-dala niyang mga itlog na nasa loob ng sa kanyang tiyan. Karamihan sa mga insektong ito ang mas gustong manatili at manirahan sa mga tropikal na lugar. Mayroong 1,700 klase ng mga mandarangkal.

Karaniwang itong tinatawag na praying mantis sa Ingles, o "nananalanging mandarangkal" (sasamba o samba-samba), dahil sa paraan ng pagtikas nito ng kanyang pangharap na mga binti upang hawakan ang kanyang sinilang pagkaing kulisap. Mayroon itong haba na 3 mga pulgada, at may katawang mahaba, balingkinitan, at kulay lunti o kayumanggi. Mayroon din itong pata na paang panlakad, dalawang paang pangharapan, at matitibay na mga pakpak. Matatagpuan ito sa Europa, Asya, at Estados Unidos. Nakakatulong ito sa tao sapagkat kinakain nito ang nakakapinsalang mga kulisap.[3]

Pakikipagtalik[baguhin]

Isang katangian ng babaeng mandarangkal ang kainin ang lalaking mandarangkal pagkatapos makipagtalik dito. Kinakagat ng mandarangkal ang leeg ng kanilang biktima para ito maparalisa muna.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Praying mantis, mandadangkal". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Sasamba, samba-samba, praying mantis". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 1203.
  3. 3.0 3.1 "Mantis, praying mantis". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa M, pahina 573.


Kulisap Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.