Pag-awit

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mang-aawit)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Umaawit si Harry Belafonte, 1954
Umaawit si Patti Smith sa isang mikropono, 2007

Ang pag-awit ay isang gawain ng paglikha ng mga tunog pang-musika ng tinig, na kadalasang salungat sa pagsasalita. Tinatawag na mang-aawit o bokalista ang taong umaawit. Ginagagampanan ng mga mang-aawit ang mga musika na kilala bilang mga awitin na maaaring awitin ng acapella (walang instrumento) o sinasabayan ng mga musikero at instrumento. Kadalasang ginagawa ang pag-awit ng isang pangkat, katulad ng koro. Nakakaawit halos lahat ng nagsasalita, yayamang isang anyo ng matagalang pagsasalita ang awitin. Maaari itong impormal at para lamang sa kasiyahan, halimbawa, ang pag-awit sa banyo; o maaari itong maging pormal, katulad ng propesyunal na pagganap o pag-awit sa isang istudyong nag-rerekord. Ang pag-awit sa isang mataas na antas ng baguhan o propesyunal ay kadalasang kinakailangan ng isang tiyak na halaga ng likas na talento at isang madalas na pagsasanay, at/o instruksiyon.[1] Kadalasang nasa isang partikular na uri ng musika ang karera ng propesyunal na mang-aawit at sumasailalim sila sa pagsasanay ng tinig, na binibigay ng isang guro o tagapag-turo ng boses sa kanyang buong karera.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Falkner Keith (ed) (1983). Voice. MacDonald Young. p. 26. ISBN 0-356-09099-X. 


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.