Manila American Cemetery and Memorial

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Manila American Cemetery and Memorial

Ang Manila American Cemetery and Memorial ay isang sementeryong itinatag noong 1948 na matatagpuan sa Fort Bonifacio, kalakhang Maynila sa Pilipinas sa loob ng mga hangganan ng dating Fort William McKinley. Ito ay 152 acres na may kabuuang 17,206 nitso. Ito ang pinakamalaking bilang bilang ng mga nitso ng anumang sementeryo para sa mga tauhan panghukbo ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay naglalaman rin ng mga namatay na Pilipino at iba pang lahi. Ang sementeryo ay pag-aari ng American Battle Monuments Commission.