Mansanilya (kamomile)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Mansanilya (paglilinaw).
Mga bulaklak ng mansanilya.

Ang kamomile o mansanilya[1] (Ingles: chamomile o camomile; mula sa Griyego χαμαίμηλον, chamaimēlon) ay tumutukoy sa anuman at ilang magkakaibang mga uring kabilang sa pamilya ng mga mirasol (Asteraceae).

Mga dating katawagan[baguhin]

Tinawag itong mansanas ng lupa (mula sa Ingles na "ground apple") ng Sinaunang mga Griyego dahil sa amoy nito. Tinawag naman itong maythen ng mga Anglo-Saksono, na isa sa siyam na mga banal na yerbang ibinigay sa mundo ng Diyos na si Woden. Karaniwang kilala sa pangalan matricaria ang Alemang kamomile dahil sa isa itong yerbang hinekolohikal.[2]

Gamit[baguhin]

Maaaring ihanda bilang tsaa ang bulaklak ng mansanilyang ito na nakapagpapahinahon ng daanan ng pagkain sa katawan, nakapagpapakalma ng damdamin at nakapagdurulot ng mahimbing na pagtulog. Nagagamit din ito sa paggamot ng mga di-lubhang mga pangangati sa balat, katulad ng Matricaria recutita. Bilang isang yerbang may katangiang panlunas, nakapagpapagaling din ito ng labis na pag-utot.[1]

Mga uri[baguhin]

Pagtatanim[baguhin]

Mas tumutubo at lumalago ang mansanilyang ito sa maaraw o may-bahagyang silong na lugar, mamasa-masang pook, may liwanag, at lupaing napaglalagusan agad ng tubig na idinilig. Hindi ito gaanong nagtatagal sa mga rehiyong tuyo at mainit (kaya't ginagamit na pamalit sa mga ito ang Cotula squalida sa ganitong uri ng mga pook). Itinatanim ang mga buto sa maagang tag-sibol o huling panahon ng tag-lagas. Kapag napayabong at tumatag na ang mga halaman, dadami ang mga ito at maaaring hatiin upang makakuha ng mga bagong pananim.[3]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 "Mansanilya". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Ody, Penelope. (1993). "Chamomile". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc., pahina 47.
  3. How to Grow Herbs - Chamomile