Mantsa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Mantsa (paglilinaw).
Mga mantsa sa sahig.

Ang mantsa[1] ay mga duming-dungis sa anumang bagay tulad ng mga damit at tela, na karaniwang mahirap alisin kahit labhan, hugasan o punasan man. Tinatawag din itong batik at bahid. Halimbawa ng mga nagiging mantsa ang mga tinta, dugo, nginunguyang gam, tsokolate, kokwa, katas ng prutas, damo, grasa, sorbetes, at sopdrinks.[2]

Pagtatanggal[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga payak na paraan ng mga pag-aalis ng mga mantsa. Ilan lamang mga halimbawa ang mga sumusunod:[2]bakit

Dugo[baguhin | baguhin ang batayan]

Natatanggal ang mga mantsa ng dugo sa pamamagitan ng paggamit ng espongha at malamig na tubig, o pagbabad. Hinuhugasan ang tela o damit sa maligamgam na tubig na may sabon.

bubble gum[baguhin | baguhin ang batayan]

Naaalis ang chewing gum o nangangatang goma sa pamamagitan ng pagpapatigas muna sa gam habang gumagamit ng yelo. Kinikiskis ang yelo hanggal sa matanggal ang mga mantsa. May mga gumagamit din ng solbentong pang-tuyong-paglilinis.

Tsokolate at kokwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Kinakayod ng mapurol na kutsilyo ang mga mantsa ng tsokolate at kokwa, at hinuhugasan pagkaraan ng maligamgam na tubig na may sabon. Gumagamit din ng idrohenadong peroksayd (o aguwa oksinada)[3] para sa mas matitinding mantsang hindi matanggal, at babanlawan ng mabuti ang tela o damit.

Prutas[baguhin | baguhin ang batayan]

Agad na hinuhugasan ng malamig na tubig ang namantsahang bagay, na nilalabhan pagkaraan; kung hindi pa rin matanggal, gumagamit ng pangkula (bleach)[4] Kapag naplantsa ang kasuotan o tela na naroon pa rin ang bahid, maaaring hindi na ito matanggal.

Damo[baguhin | baguhin ang batayan]

matatanggal ito sa pamamagitan ng espongha, nilalagyan ng alkohol ang tela, at hinuhugasan pagkatapos. Maaari ring hugasan ito ng mainit na tubig at sabon, habang kinikiskis para maalis ang mantsa. Ginagamitan din ito ng bleach kapag hindi talaga matanggal.

Grasa[baguhin | baguhin ang batayan]

Karaniwang kinikiskis ang tela sa pamamagitan ng mga deterhente at hinuhugasan pagkaraan ng mainit na tubig. Kapag hindi maalis, gumagamit ng natatanging pluwidong panlinis.

Sorbetes[baguhin | baguhin ang batayan]

Natatanggal ang mantsa ng sorbetes sa pamamagitan ng malamig na tubig o sa paghugas gamit ang maligamgam (hindi kumukulo) na tubig at sabon.

Soda[baguhin | baguhin ang batayan]

Natatanggal ang mantsa mula sa soda o sopdrink sa pamamagitan ng malamig na tubig at espongha. Isinasawak ang mga puting damit sa solusyon ng klorina at pangkula sa loob ng isang minuto. Binubuhusan naman ng gliserina ang mga damit na may-kulay, na pinatatagal sa damit ng may kalahating oras, at hinuhugasan ng tubig pagkaraan.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]