Manunulat ng kasaysayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang manunulat ng kasaysayan o historyador ay isang taong nag-aaral ng kasaysayan.[1] Pinag-aaralan ng mga manunulat ng kasaysayan ang pagdaan ng panahon at ang mga kaganapang nangyayari sa loob ng kapanahunang iyon. Bukod sa pag-aaral ng kasaysayan, nagsusulat din ng kasaysayan ang manunulat ng kasaysayan at itinuturing na isang dalubhasa at "may kapangyarihan" hinggil sa larangang ito.[1] Tumutuon ang mga historyador sa patuloy at maparaan pagsasalaysay at pananaliksik ng nakalipas na mga pangyayari na kaugnay ng lahi ng tao; pati na ang pag-aaral ng lahat ng mga kaganapan sa loob ng panahon. Kapag ang indibiduwal ay nagbibigay-pansin sa mga kaganapan bago ang nasusulat na kasaysayan, ang hisoryador ay isang manunulat ng kasaysayan ng prehistorya. Bagaman puwede ring ipanglarawan ang "historyador" kapwa para sa mga baguhan at mga propesyunal nang mga manunulat ng kasaysayan, mas nakalaan lamang ito kamakailan para sa nakakamit ng degring pang-akademya (mga degri ng pagtatapos sa paaralang panglarangan).[2] Some historians, though, are recognized by equivalent training and experience in the field.[2]Subalit may ilang mga historyador na kinikilala bilang historyador kapag nagkaroon na ng karampatang kapantay at sapat na pagsasanay at karanasan habang nasa labas ng paaralan.[2] Naging isang propesyunal na hanapbuhay ang pagiging historyador noong hulihan ng ika-19 daang taon, na kasabay ng pagtatakda ng mga pamantayan ng mga manggagamot kung sino ang makakapasok sa larangan.

  1. 1.0 1.1 "historian". Wordnet.princeton.edu. Nakuha noong 28 Hunyo 2008
  2. 2.0 2.1 2.2 Herman, A. M. (1998). Occupational outlook handbook: 1998-99 edition. Indianapolis: JIST Works. Pahina 525.