Marcelino Teodoro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Marcelino Teodoro ay isang politiko sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang mambabatas sa Kongreso ng Pilipinas na kinakatawan ang Unang Distrito ng Lungsod ng Marikina. Lakas-CMD/Kabayani ang partido niya.

Panukalang batas[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2007, naghain si Teodoro kasama ang kapwang mambabatas na si Narciso Santiago ng isang panukalang batas na nalalayong ipagbawal ang mga motorsiklo sa mga pangunahing lansangan at lansangang bayan (higways) katulad ng EDSA.[1] Ito ang House Bill 3080 na naihain dahil sa mga aksidente sa motorsiklo na nagdudulot ng kamatayan at pagkasugat at tinuturing na isang "pampublikong epidemya sa kalusugan."[1] May mga ilang motorista[2] ang tumutol dito. Nilinaw ni Teodoro na hindi niya pinagbabawal ang mga motorsiklo sa mga kalye.[kailangan ng sanggunian] Bagkus naghain pa siya ng panukalang batas na naglalaan para sa "segregated lane" (bukod na daanan) para sa mga ito.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Macon Ramos Araneta. "Motorcycle accidents now an ‘epidemic’". Manila Standard Today. http://www.manilastandardtoday.com/?page=police1_dec26_2007. Hinango noong Disyembre 27, 2007. 
  2. "Motorcycle Bawal daw ang motor sa mainroads?". motorcyclephilippines.com. http://motorcyclephilippines.com/forums/showthread.php?p=1933869. Hinango noong Disyembre 27, 2007. 



PilipinasPolitiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.