Maria (ina ni Hesus)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Marya (ina ni Hesus))
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Thetokos ng Vladimir na isa sa pinakapipitaganang ikono ni Marya sa Simbahang Silangang Ortodokso, ca. 1131

Si Marya o Maria (Hebreo: מִרְיָם, Miriam; Aramaiko: Maryām; Arabiko: مريم, Maryam) at tinatawag ring Santa Marya, Inang Marya, ang Theotokos, Mapalad na Birheng Marya, Ina ng Diyos, Maryam na ina ni Isa(sa Islam) ayon sa tradisyong Kristiyano at Muslim ang ina ni Hesus. Ayon sa bibliya partikular na sa apat na kanonikal na ebanghelyo ang ina ni Hesus na nagmula sa Nazareth, Galilea. Siya ay itinuturing ng maraming mga Kristiyano na unang akay sa Kristiyanismo. Siya ay isinasaad sa Bagong Tipan sa Mateo 1:16,18-25 at Lucas 1:26-56, 2:1-7 at sa Quran bilang ina ni Hesus sa pamamagitan ng interbensiyon ng diyos. Ang kanyang anak na si Hesus ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na ang mesiyas at ang diyos na nagkatawang tao. Si Hesus ay itinuturing sa Islam na mesiyas at ang ikalawang pinakamahalagang propeta sa lahat ng mga propeta sa Islam at mas mababa sa huling propetang si Muhammad. Siya ay inilalarawan sa Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas bilang isang birhen (parthenos sa Griyego) na naglihi ng milagroso kay Hesus sa pamamagitan ng ahensiya ng banal na espirito. Ang mga Muslim ay naniniwala na siya ay naglihi sa pamamagitan ng utos ng diyos.

Buhay ni Marya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagong Tipan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paglilihing birhen ni Marya kay Hesus ay isinasaad sa bibliya na nangyari nang siya ay ikakasal na kay Jose at naghihintay ng isang rito ng kasal. Kanyang pinakasalan si Jose at ayon sa Lucas sumama kay Jose sa Bethlehem, Hudea mula sa Nazareth, Galilea upang magpatala sa censo ni Quirinius na nagaatas sa mga indibidwal na bumalik sa lugar ng kanilang mga ninuno. Gayunpaman, ayon sa mga arkeolohgo, walang ebidensiyang arkeolohikal na nagpapakita na ang Bethlehem sa Hudea ay tinirhan ng mga tao noong unang siglo BCE o unang siglo CE.[1]

Ang historyan na si Josephus ay nag-ulat na noong taong 6/7 CE, si Quirinius ay hinirang na legatong gobernador ng Syria samantalang ang ekwestriyanong Romanong katulong na Romano na si Coponius ay itinakdang unang gobernador ng Judea. Ang mga gobernador na ito ay inatasan na magsagawa ng censo ng buwis para sa emperador Romano sa Syria at Judea.[2] [3] Ang salaysay ng censo ni Quirinius sa Ebanghelyo ni Lucas ay itinuturing na problematiko ng mga skolar ng bibliya dahil sa paglalagay nito ng kapanganakan ni Hesus noong panahon ng censo ni Quirinius (6/7 CE) samantalang ang Ebanghelyo ni Mateo ay naglalagay ng kapanganakan Hesus sa panahon ni Herodes na namatay noong 4 BCE na 9 na taong mas maaga sa censo ni Quirinius.[4] Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng isang censor na pandaigdigan o kahit sa daigdig na kinontrol ng imperyo Romano. Ang mga censo ni emperador Augustus ay sumasaklaw lamang sa mga mamamayang Romano at hindi kasanayan sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa mga bayan ng kanilang mga ninuno.[5][6] [7][8][9][10]

Ayon sa Juan 2:1-5, Nang ikatlong araw ay nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang ina ni Hesus. Si Hesus at ang kaniyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Nang magkulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Babae, ano ang kinalaman ng bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa dumarating. Sinabi ni Marya sa mga tagapaglingkod na gawin ang anumang iniutos sa kanila ni Hesus. Inutusan ni Hesus ang mga tagapaglingkod na punuin ang mga tapayan at sumalok at dalhin sa namamahala ng handaan. Pagkatapos tikman ito at dahil hindi alam kung saan ito nanggaling ay tinawag ng namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal. Sinabi nito sa kanya na unang inihahain ng bawat tao ang mabuting alak. Ang mababang uri ay inihahain kapag marami na silang nainom, ngunit inihain nito ang mabuting alak ng huli.

Ayon sa Marcos 3:31-34, dumating ang ina at mga kapatid na lalake ni Jesus. Sila ay nakatayo sa labas ng bahay at nagsugo na tawagin siya. Nakaupo ang napakaraming tao sa palibot niya. Sinabi ng mga sinugo sa kaniya: Narito, nasa labas ang iyong ina at mga kapatid, hinahanap ka. Sinagot sila ni Jesus: Sino ang aking ina o mga kapatid? Pagtingin niya sa mga taong nakaupo sa palibot, sinabi niya: Tingnan ninyo ang aking ina at mga kapatid. Ito ay sapagkat ang sinumang gumaganap ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae at ina.

Ayon sa Mateo 13:53-57, Nangyari na nang matapos na ni Hesus ang mga talinghagang ito, umalis siya roon. Pagdating niya sa kaniyang sariling lupain, nagturo siya sa kanila sa kanilang sinagoga. Labis silang nanggilalas na sinabi: Saan kumuha ang lalaking ito ng karunungan at gayundin ang mga ganitong himala? Hindi ba ito ang anak ng karpentero? Hindi ba ang kaniyang ina ay si Marya? Hindi ba ang mga kapatid niyang lalake ay sina Santiago, Jose, Simon at Judas? Hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama natin? Kung gayon, saan nga kumuha ang lalaking ito ng ganitong mga bagay? At kinatisuran nila siya. Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila: Ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan at sambahayan.

Ayon as Juan 19:25-27, Nakatayo sa malapit sa krus ni Hesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayo sa malapit, sinabi niya sa kaniyang ina: Babae, tingnan mo ang iyong anak. Pagkatapos ay sinabi niya sa alagad: Narito ang iyong ina. At mula sa oras na iyon ay dinala siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

Apokripa[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Ebanghelyo ni Santiago, si Marya ang anak ni Joachim at Ana. Bago ipaglihi si Marya, si Anna ay baog. Si Marya ibinigay sa serbisyon bilang isang konsagradong birhen sa templo ng Herusalem nang siya ay 3 taon. Ang ilang mga apokripa ay nagsasaad na sa panahon na ipagkasundo siyang ikasal kay Jose, si Marya ay 12 hanggang 14 taong gulang samantalang si Jose ay may edad na 90. Ayon sa tradisyon, si Marya ay namatay na napapalibutan ng mga apostol sa Herusalem o Efeso sa pagitan ng 3 at 24 taon pagkatapos ng pagakyat ni Hesus sa langit. Ayon kay Hyppolitius ng Thebes, si Marya ay nabuhay ng 11 taon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang anak at namatay noong 41 CE.

Mga pananaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Hudaismo ay tumatakwil na si Hesus ang mesiyas at tumatakwil sa mga salaysay ng Bagong Tipan ng Kristiyanismo. Hindi sila naniniwala na salita ng diyos ang Bagong Tipan.

Ang mga psilantropista ay nangatwiran laban sa birheng kapanganakan ni Hesus at nagturo na si Hesus ay isang tao lamang. Ang psilantropismo ay umiral sa mga sinaunang pangkat na Hudyo-Kristiyano gaya ng mga Ebionita na tumuring kay Hesus na mesiyas ngunit tumakwil kay Apostol Pablo bilang isang tumalikod.

Noong ikaapat na siglo CE, itinakwil sa kredong Niseno ang katuruan na si Hesus ay isa lamang tao. Ang kredong Niseno ay nilikha ng Konseho ng Nicaea noong ikaapat na siglo CE bilang pagsalungat at pagkondena (ng nanaig na bersiyon ng Kristiyanismo) sa paniniwalang Arianismo ng ilang mga Kristiyano.

Ayon kay Epiphanius, si Birheng Marya ay sinasamba bilang diyosang Ina sa sektang Krisityano na Collyridianism na matatagpuan sa buong Arabya noong mga 300 CE. Ang mga ito ay naghahandog ng mga tinapay kay Birheng Marya kasama ng iba pang mga kasanayan. Ang pangkat na ito ay kinondena ng Simbahang Katoliko Romano at binatikos ni Epiphanius sa kanyang kasulatang Panarion.

Iba pa[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong ikalawang siglo CE, si Celsus ay nagmungkahi na si Hesus ang ilehitimong anak ng sundalong Romano na si Panthera. Ang kuwento tungkol kay Panthera ay matatagpuan rin sa Toledot Yeshu.

Mga doktrina tungkol kay Marya[baguhin | baguhin ang batayan]

May iba't ibang mga doktrina ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo o mga indibidwal na Kristiyano tungkol kay Marya. Ang mga doktrinang ito ay kinabibilangan ng:

Doktrina Lumikha ng doktrinang ito
at petsa ng pagkakalikha
Mga sektang tumatanggap nito
Ina ng Diyos (Theotokos) Unang Konseho ng Efeso, 431 CE Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano, Methodista
Kapanganakang birhen ni Hesus Unang Konseho ng Nicaea, 325 CE Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Lutherano, Methodista
Protestantismo, Mormon
Pag-akyat sa langit ni Marya ensiklikal na Munificentissimus Deus
Papa Pius XII, 1950
Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, ilang Lutherano
Kalinis-linisang paglilhi ensiklikal na Ineffabilis Deus
Papa Pius IX, 1854
Romano Katoliko, ilang Anglikano, ilang Lutherano, simulang Martin Luther
Perpetwal na pagkabirhen Konseho ng Constantinople, 533
Mga artikulong Smalcald, 1537
Romano Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, ilang Lutherano
Martin Luther, John Wesley

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://ngm.nationalgeographic.com/geopedia/Bethlehem
  2. Josephus, Antiquities 17.355 & 18.1–2; c.f. Matthew 2:22
  3. Emil Schürer, Fergus Millar (editor), Geza Vermes (editor), The history of the Jewish people in the age of Jesus Christ Vol I, (Continuum, 1973), page 424: "It was started ... in the earliest in the summer of C.E. 6." and completed "at the latest in the autumn of C.E. 7"
  4. e.g. R. E. Brown, The Birth of the Messiah (New York: Doubleday), p. 547.
  5. Emil Schürer (revised by Geza Vermes, Fergus Millar and Matthew Black), The History of the Jewish People in the Age of Jesus Christ, Continuum International, 1973, Volume I page 401.
  6. James Douglas Grant Dunn, Jesus Remembered, p. 344; E. P. Sanders, The Historical Figure of Jesus, Penguin, 1993, p86
  7. Spong, John Shelby. Jesus for the non-religious. HarperCollins. 2007. ISBN 0-06-076207-1
  8. Brown, R.E. The Birth of the Messiah: A Commentary on the Infancy Narratives in Matthew and Luke. Doubleday, NY. 1993. Page 549
  9. Bromiley, Geoffrey W, ed. The International Standard Bible Encyclopedia. William B. Eerdmans Publishing. 1995. ISBN 0-8028-3785-9. Page 655
  10. Ehrman, Bart D.. Jesus, Interrupted. HarperCollins. 2009. ISBN 0-06-117393-2