Mata Hari

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mata Hari
Si Mata Hari sa Paris noong 1910.
Kapanganakan Margaretha Geertruida Zelle
7 Agosto 1876(1876-08-07)
Leeuwarden, Olanda
Kamatayan 15 Oktubre 1917 (edad 41)
Vincennes, Pransiya
Ikinamatay Kamatayan sa pagbaril ng tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya.
Nasyonalidad Olandes
Iba pang pangalan Mata Hari
Asawa Rudolf John MacLeod (1895–1903)
Anak Norman-John MacLeod
Jeanne-Louise MacLeod

Ang Mata Hari ay ang pangalang pang-entablado ni Margaretha Geertruida "Grietje" Zelle o Gertrud Margarete Zelle (ipinanganak noong 7 Agosto 1876, sa Leeuwarden, Olanda o sa Haba, Indonesya[1] – namatay noong 15 Oktubre 1917, sa Vincennes, Paris, Pransiya), na isang Prisyanang (Olandesa) eksotikang mananayaw at kortesana o sosyal ("mataas ang uri") na patutot na nahatulan at pinaslang bilang parusa sa pamamagitan ng eskuwadra o tilap ng mga sundalong naatasang bumaril sa kanya. Pinarusahan siya ng ganito dahil sa pagiging espiya o paniniktik para sa Alemanya noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, pagkaraan ng paglilitis ng mga kinatawang ahente ng Pransiya.[1][2]

Bilang isang eksotikang mananayaw, nakakuha siya ng mga lihim na pangmilitar dahil sa pang-aakit at pagbibigay-aliw sa Pranses na mga opisyal.[1]

Pinagmulan ng pangalang pangtanghalan[baguhin]

Pinaniniwalaang isang pariralang Malay ang "Mata Hari" na may kahulugang "araw", at literal na may ibig sabihing "mata ng araw (na ito)."[2]

Mga sanggunian[baguhin]


TalambuhayOlanda Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Olanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.