Maulap na hamog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Maulap na hamog

Ang maulap na hamog o mausok na hamog ay isang kalipunan ng mga maliliit na mga patak ng tubig o mga kristal ng yelong nakalutang sa hangin o malapit sa ibabaw ng mundo.[1] Habang ang hamog ay isang uri ng ulap, naiiba ang maulap na hamog mula sa salitang ulap dahil mababa ang hamog na maulap, ang pamamasa sa maulap na hamog ay kadalasang lokal na nalilikha (katulad ng mula sa isang malapit na katawan ng tubig, tulad ng isang lawa o ang karagatan, o mula sa isang malapit na mamasa-masang lupain o latian).[2]

Naiiba ang maulap na hamog mula sa angge o hamog dahil lamang sa kasinsinan o densidad nito, na naipapadama sa nagreresultang pagpapababa o pagpapalabo ng paningin sa mga bagay o pagkanakikita ng mga bagay: Nagbababa ang maulap na hamog sa kakayahan ng pananaw sa mas mababa kaysa 1 km (5/8 milyang estatuto), habang ang angge ay nagpapababa sa kakayahan ng paningin ng may hindi bababa sa 1 km (5/8 estatutong milya).[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Fog and Boundary Layer Clouds: Fog Visibility and Forecasting. Gultepe, Ismail, patnugot. Muling inilimbag mula sa Pure and Applied Geophysics Bolyum 164 (2007) Bilang 6-7. ISBN 978-3-7643-8418-0. p. 1126; tingnan ang Google Books, napuntahan noong 2010-08-01.
  2. Thomas, P. (2005) p. 3. ISBN 0-7844-0795-9 Tingnan ang Google Books, napuntahan noong 2010-08-01.
  3. "Federal Meteorological Handbook Number 1: Chapter 8 - Present Weather". Tanggapan ng Pederal na Koordenador para sa Meteorolohiya. 2005-09-01. pp. 8-1, 8-2. http://www.ofcm.gov/fmh-1/pdf/H-CH8.pdf. Hinango noong 2010-10-09.