Pumunta sa nilalaman

Mga negatibong pagpapahalagang Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ito ay iilan lamang sa mga negatibong pagpapahalaga ng lahat ng mga Pilipino.

Tamad - ang isang ugali na binatikos ng mga Kastila.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Mga walang disiplina - Ang pagiging patay gutom
  • Mga reklamador ngunit walang ginagawa - ang pagiging mahilig magreklamo ngunit wala namang ginagawang solusyon. Mapapansin na maraming politiko ang balat sibuyas at nagrereklamo sa hindi magandang napansin ng mga dayuhan sa Pilipinas ngunit ang mga politikong ito ay hindi dapat magreklamo kung hindi nila maayos na ginagawa ang dapat ayusin sa bansa o nasasakupan nila.
  • Masyadong pagkahumaling sa Ingles - masyadong pagbibigay diin sa wikang Ingles ngunit nakakaligtaan ang pagbibigay diin sa agham, teknolohiya at matematika. Mas maraming mga bansa ang mas matalino sa Pilipinas dahil ang kanilang pagpapahalaga ay sa mga mas mahahalagang larangan ng kaalaman sa halip na sa wikang Ingles. Dapat tandaan na ang mga bansang napakaunlad ay mas nangunguna sa larangan ng teknolohiya at agham gaya ng mga bansa sa Silangang Asyang Korea at Hapon.
  • Palaasa sa iba - Palaasa sa ibang bansa na magbigay ng trabaho sa mga sariling mamamayan na walang makitang trabaho sa sariling bansa. Tapos nagmamalaki pa sa ibang bansa na guguho daw ang ekonomiya ng ibang bansa kung palalayasin ang mga Pilipino. Kung ginagawa lang ng mga politiko ng Pilipinas ang kanilang trabaho ay hindi na tayo aasa sa trabaho sa ibang bansa at hindi na rin tayo mamatahin ng ibang bansa.
  • Mga madaling maloko - Ito ay mapapansin sa mga halalan na palaging naloloko ng mga politikong nangangako ngunit palaging napapako.
  • Madaling makalimot - Ito ang pagiging malilimutin sa mga katiwaliang ginawa ng mga politiko. Dito lang sa Pilipinas na ang mga kurakot na politiko ay malayang nakakatakbo muli sa halalan at muling nahahalal at masyado pang tinitingala.
  • Mapagmataas - Labis na pagtingin sa sarili dahil lang sa ilang indibidwal na sumikat sa ibang bansa.
  • Pataasan ng ihi - Payabangan at pasiklaban sa kung sino ang mas nakakaangat o mas magaling.
  • Walang kusang loob - Naghihintay sa iba na kumilos bago sila kikilos o kikilos lang kung personal na nakakaapekto sa kanila o may pakinabang sa kanila.
  • Bahala na - isa sa mga ugali ng mga pilipino na kapag may proyekto ay nagtatamaran lang at hindi aayusin ang nagawang proyekto at nagsasabi lang ng bahala na.
  • Ningas Kugon - sa una lang ito magaling o masigasig ngunit kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan. Mapapansin ito sa mga simulang masigasig na pagpupursigi ng mga kaso ng katiwalian ngunit sa huli ay walang napaparusahan o nabibilanggo.
  • Crab Mentality - Isang kaugalian ng mga pilipino ng paninirang puri, paggawa ng kuwento sa kapwa at inggit sa mga nakakaangat na kababayan.
  • Chismosa/Chismoso
  • Mapanghusga
  • Colonial Mentality - Ito ay ugali ng mga Pilipino na laging tingin natin na mas maganda ang produkto ng ibang bansa kaysa sa sariling atin. Kabilang din dito ang mga Pilipino na nakatira sa Pilipinas na ayaw gumamit ng kanilang mga sariling katutubo wikang Filipino dahil sa mababang pagtingin nila dito at dahil sa paniniwalang ito ay wika ng mga mahihirap. Daig pa sila ng mga dayuhan na gustong mag-aral ng mga katutubong wika ng Pilipinas.