Mga Hudyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa katawan ng mga tradisyon ng mga Hudyo, tingnan ang Hudaismo.

Ang mga Hudyo (Ebreo: יהודי, yehudi) ay tumutukoy sa pangkat etno-relihiyosong nagmula sa mga sinaunang Israelita at sa mga taong naniniwala sa paniniwalang Hudaismo, sa loob ng iba’t ibang punto ng kasaysayan at panahon.

Mga ninuno[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Hudyo, ayon sa Tanakh, ay nagmula sa mga tribu ng Juda, Simeon, Benjamin, at Levi ng mga Ebreo, tinatawag ding mga Israelita bilang mga anak ni Jacob o Israel, na pinaniniwalaang nagmula sa lahi ni Abraham, isang pastor ng tupa mula sa Ur (isang lungsod sa Sumerya), na nagmula sa lahi ni Noe (Noah sa Ingles). [1]

Noong una, isa lamang itong pangalan para sa isang taong nagmula sa tribo ng Juda (o Judah). Sa paglaon, ginamit na rin ito para sa sinumang nagbuhat mula sa apat sa mga anak ni Jacob; kilala rin si Jacob bilang Israel.[2]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagitan ng 2.6 at 0.9 milyong taong nakakalipas, may hindi bababa sa apat na mga episodyo ng pagkalat ng hominine mula sa Aprika tungo sa Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan).[3] Sa kabundukang Carmel sa el-Tabun, at Es Skhul.[4] ang mga labi ng Neanderthal at mga sinaunang tao ay natagpuan kabilang ang isang kalansay ng isang Neanderthal na babae.[5] Ang paghuhukay sa el-Tabun ay nagprodyus ng pinakamahabang rekord na stratigrapiko sa rehiyon na sumasaklaw sa 600,000 o higit pang taon ng mga gawain na pantao [6] mula sa Mababang Paleolitiko hanggang sa kasalukuyang panahon na tinatayang milyong taon ng ebolusyon ng tao.[7]

Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysrỉꜣr) ay umiiral sa Merneptah stele na itinayo para sa Paraon na Ehiptong si Merneptah c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga Semita na tumira sa Canaan at ang mga Taong Dagat. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong Panahon ng Bakal (sa may 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga Cananeo gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at relihiyon. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa Aklat ni Josue ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa Aklat ng Exodo. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga eskolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista (gaya ng isinasaad sa Bibliya) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.[8]

Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohîm na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga relihiyong Semitiko.[9] Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa Bibliya ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita (Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.[10]

Ang unang Kaharian ng Israel ay itinatag noong mga taong 1000 BCE. Ayon sa Bibliya, ang imperyo ni Solomon ay sumaklaw mula sa Eufrates sa hilaga hanggang sa Dagat Pula sa timog. Gayunpaman, ito ay hindi sinsuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[11] Ayon sa Bibliya, kasunod ng kamatayan ni Solomon noong ca. 900 BCE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng hilagang bahagi ng Israel na binubuo ng 10 mga lipi ng Israel at ang katimugang na pinamumunuan ng Herusalem. Ito ay humantong sa pagkakahati ng Israel sa dalawang mga kaharian: ang hilagang Kaharian ng Israel at ang timog na Kaharian ng Judah. Ayon sa mga arkeologo, ang aktuwal na Kaharian ng Judah ay hindi katulad ng inilalarawan sa Bibliya bilang isang makapangyarihang kaharian dahil ang kaharian ng Judah ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal ay hindi higit sa isang maliit na tribo. Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.[12][13] Ang pinakamatandang mga aklat ng Tanakh na isinulat noong ika-8 siglo BCE ay nagrereplekta ng alitang ito gaya ng Aklat ni Hosea at Aklat ni Nahum. Ang paksiyong monoteista ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong ika-7 siglo BCE, batay sa pinagkunang Deuteronomistiko, ang pagsambang monoteistiko kay Yahweh ay tila naging opisyal na narereplekta sa pagtatanggal ng larawan ni Asherah mula sa templo sa ilalim ni Hezekias. Ayon sa mga eskolar at historyador, sa panahong ito nang ang pagsambang monoteistiko ay nagmula.[14]

Binaligtad ng kahalili ni Hezekias na si Manaseh ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang politeistiko at ayon sa 2 Mga Hari 21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring Josias ay muling bumalik sa monolatriya (pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang Aklat ng Deuteronomio gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na monolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa Babilonya at sa teolohiya ng Ikalawang Templo ng Hudaismo. Ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Israel (hilaga) ay umiral bilang isang malaya estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Assyrian samantalang ang Kaharian ng Judah (timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 586 BCE nang ito ay sakupin ng imperyo ng Babilonya. Nang talunin ng imperyong Persa (Persian) ang Babilonya, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Persa (Persian) at pinayagan na makabalik ng Persiya ang mga Israelita sa Judea. Ang modernong analysis na makapanitikan na Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.[15] Iminungkahi na ang mahigpit na monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonya at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persa (Persian).[16][17] Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo[15][17] ng Persia sa mga pananaw ng anghel, demonyo, malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastriano. Inilarawan ni Zarathushtra sa kanyang Gathas ang isang saoshyant (tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.

Nang talunin ni imperyong Gresya ang Persiya, ang Israel ay sumailalim sa imperyong Ptolemaiko at kalaunan ay ng imperyong Seleucid. Ang katimugang Levant ay naging helenisado na humantong sa mga tensiyon sa pagitan ng mga relihiyoso at mga Helenisadong Hudyo. Ang alitan ay sumiklab noong 167 BCE sa paghihimagsik ng mga Macabeo laban sa mga Seleucid. Ito ay nagtagumpay sa pagtatag ng isang independiyenteng Kahariang Hasmonean sa Judah. Sinakop ng imperyo Romano ang rehiyong ito noong 63 BCE. Ang alitan sa pagitan ng mga paksiyong pro-Romano at pro-Parthian sa Judea ay kalaunang tumungo sa paglalagay kay Herodes ang Dakila at konsolidasyon ng Kahariang Herodian bilang basalyong estado ng Roma. Ang Judea ay ginawang lalawigan ng Roma noong 6 KP kasuod ng paglipat ng tetrarkiyang Judean sa sakop ng Roma. Sa mga sumunod na dekad, nagkaroon ng papapalaking mga tensiyon sa pagitan ng mga populasyong Greko-Romano at Judean.

Noong 66 KP, ang mga Hudyo sa Judea ay naghimagsik laban sa Roma at pinangalanan ang kanilang estado bilang "Israel". Pagkatapos ng digmaan, ang mga Hudyo ay patuloy na binuwisan sa Fiscus Judaicus na ginamit upang pondohan ang templo ng diyos na si Hupiter. Noong 131 CE, muling pinangalanan ni Emperador Hadrian ang Herusalem na "Aelia Capitolina" at nagtayo ng templo sa lugar ng dating templong Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinagbawalang tumira sa Herusalem (na nagpatuloy hanggang sa pananakop na Arabo) at sa lalawigang Romano na sa panahong ito ay kilala bilang Lalawigang Iudaea at muling pinangalanang "Palaestina". Mula 132 hanggang 136, ang pinunong Hudyo na si Simon Bar Kokhba ay nanguna sa isang paghihimagsik laban sa mga Romano at muling pinangalanan ang bansa na "Israel". Ang Kristiyano na nakaraang isang sekta ng Hudaismo ay tumangging lumahok sa paghihimagsik at naging isang hiwalay na relihiyon. Ang paghihimagsik ay sinupil ni Emperador Hadrian, at sa panahon ng himagsikan ng Bar Kokhba, ang asembleang Rabinikal ay nagpasya kung aling mga aklat ang magiging bahagi ng Tanakh (bibliyang Hebreo) at nagpasya sa pagtatanggal sa mga apokripang Hudyo.

Sa simula ng ika-4 siglo CE, ang Konstantinopla ay naging kabisera ng Silangang Imperyo Romano at ang Kristiyanismo ay ginawang opisyal na relihiyon. Ang Herusalem ay ibinalik sa Aelia Capitolina at naging isang siyudad na Kristiyano. Ang mga Hudyo ay bawal pa rin na tumira sa Herusalem ngunit pinayagang bumisita. Ang Imperyong Romano ay nahati noong 390 KP at ang rehiyon ng Israel ay naging bahagi ng Silangang Imperyong Romano, o ang Imperyong Bisantino. Sa ilalim ng mga Bisantino, ang Kristiyanismo ay pinanaigan ng Griyegong Simbahang Ortodokso. Noong ika-5 siglo, ang Kanlurang Imperyong Romano ay gumuho na tumungo sa migrasyon ng mga Kristiyano sa Palestina. Ang ilang mga paghihimagsik ng mga Samaritano ay sumiklab sa panahong ito na nagresulta sa populasyon nito na halos maubos. Noong 611, sinakop ng Persiyang Sassanid ang imperyong Bisantino at pagkatapos ng isang matagal na pagsalakay, nabihag ni Chosroes II ang Herusalem noong 614 CE sa tulong ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinayagan ng mga Persa (Persian) na mamahala sa Herusalem at tumagal hanggang noong 617 KP nang ang mga Persa (Persian) ay sumuko. Ang emperador Bisantino na si Heraclius ay nangako na ibabalik ang mga karapatan ng Hudyo at nakatanggap ng tulong sa pagtalo sa mga Persa (Persian). Gayunpaman, kanya itong hindi tinupad pagkatapos ng muling pananakop sa Palestina at nagiisyu ng pagbabawal ng Hudaismo sa imperyong Bisantino.

Noong 634–636 CE, sinakop ng mga Arabe ang Palestina na nagwawakas sa pagbabawal sa mga Hudyo na tumira sa Herusalem. Sa sumunod na ilang mga siglo, ang Islam ay pumalit sa Kristiyanismo bilang nananaig na relihiyon sa rehiyon. Mula 636 hanggang sa pagsisimula ng mga krusada, ang Palestina ay unang pinamahalaan ng nakabase sa Medina na mga kalipang Rashidun at pagkatapos ay ng nakabase sa Damascus na kalipatang Umayyad at pagkatapos ay ng nakabase sa Baghdad, Iraq na mga Kalipang Abbasid. Noong 691, itinayo ni Umayyad Caliph Abd al-Malik (685–705) ang Dome of the Rock shrine sa Temple Mount. Ang moskeng Al-Aqsa ay itinayo sa Temple Mount noong 705. Sa pagitan ng ika-7 at ika-11 siglo CE, ang mga eskribang Hudyo na tinatawag na mga Masorete at matatagpuan sa Galilea at Herusalem ay bumuo ng Tekstong Masoretiko na huling teksto ng Tanakh.

Sa panahon ng mga krusada ay parehong mga Muslim at Hudyo ay minasaker o ibinente sa pang-aalipin. Noong 1187, natalo ng Ayyubid Sultan na si Saladin ang mga nagkrusada na kinuha ang Herusalem at ang karamihan ng Palestina. Mula 1260 hanggang 1291, ang area na ito ay naging hangganan sa pagitan ng mga mananakop na Mongol at mga Mamluk ng Ehipto. Kalaunan ay natalo ng Sultan Qutuz ng Ehipto ang mga Mongol at ang kanyang kahaliling si Baibars ay nagalis ng huling Kaharian ng nagkrusada noong 1291 na nagwakas sa mga krusada. Ang pagguho ng mga krusada ay sinundan ng papalaking pag-uusig at pagpapatalsik sa mga Hudyo sa Europa. Ito ay nagsimula sa Inglatera noong 1290 at sinundan ng Pransiya noong 1306. Sa Espanya, ang pag-uusig ng mga Hudyo ay nagsimula kabilang ang mga masaker at sapilitang pang-aakay. Ang pagiging kumpleto ng muling pananakop ng mga Kristiyano sa Espanya ay tumungo sa pagpapatalsik ng mga Hudyo sa Espanya noong 1492 at Portugal noong 1497.

Mula ng pagkakalat ng mga Hudyo sa iba't ibang mga bansa, ang mga ito ay naghangad na makabalik sa "Zion" at sa lupain ng Israel bagaman ang halaga ng pagsisikap na ginuguol tungo sa layuning ito ay pinagtatalunan. Ang mga paghahangad na ito ay mahalagang tema sa paniniwalang Hudyo. Ang papel ng ilang mga Kristiyano sa muling pagtatayo ng Israel ay alam at ang mga Kristiyanong ito ay naniniwala na ito ay umaayon at kailangan upang matupad ang mga propesiya ng Bibliya batay sa kanilang mga partikular na interpretasyon ng bibliya. Ito ay itinuturing ng mga kritiko na isang uri ng propesiya na tumutupad sa sarili na isang hula na direkta o hindi direktang nagsasanhi sa sarili nito na magkatotoo. Ang unang mga modernong migrasyon ng Hudyo (Aliyah) sa pinamahalaan ng Ottoman na Palestina ay nagsimula noong 1881 habang tumatakas ang mga Hudyo sa mga pogrom sa Silangang Europa. Ito ay sinundan ng ikalawang migrasyon nang ang mga 40,000 Hudyo ay tumira sa Palestina bagaman ang halos kalahati ng mga ito ay lumisan sa kalaunang panahon. Ang mga una at ikalawang migrante ay pangunahing mga Ortodoksong Hudyo bagaman ang ikalawa ay kinabibilangan ng mga sosyalista na nagtatag ng kilusang kibuttz. Ang Jewish Legion na pangkat na pangunahing binubuo ng mga bolunterong Zionista ay tumulong sa pananakop ng Britanya sa Palestina noong 1917. Ang pagtutol na Arabo sa pamamahala ng Britanya at imigrasyon ng mga Hudyo ay humantong sa mga riot sa Palestina noong 1920 at pagkakabuo ng militia na Hudyong Haganah kung saan ang mga pangkat paramilitar ay kalaunang humiwalay.

Noong 1922, ipinagkaloob ng Liga ng mga Bansa ang Britanya ng isang mandato sa Palestina sa ilalim ng mga terminong katulad ng Deklarasyong Balfour. Ang populasyon sa Palestina sa panahong ito ay pangunahing binubuo ng mga Arabo at Muslim at ang mga Hudyo ay bumubuo ng 11% ng populasyon. Ang ikatlo at ikaapat na migrasyon ay nagdagdag ng karagdagang mga 100,000 Hudyo sa Palestina. Ang pag-akyat ng partidong Nazi sa kapangyarihan at papalaking pag-uusig sa mga Hudyo noong mga 1930 ay humantong sa ikalimang migrasyon ng mga Hudyo. Ito ang sanhi ng paghihimagsik ng mga Arabo noong 1936–1939 na nagtulak sa mga Briton na magpakilala ng mga restriksiyon sa imigrasyon ng mga Hudyo sa Palestina. Sa pagtanggi ng daigdig sa mga refugee na Hudyo noong Holokausto, ang isang sikretong kilusan na kilala bilang Aliyah Bet ay pinangasiwaan upang dalhin ang mga Hudyo sa Palestina.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, natagpuan ng Britanya ang sarili nito sa isang mabangis na alitan sa pamayanang Hudyo dahil ang Haganah ay sinalihan ng Irgun at lehi sa isang armadong pakikibaka laban sa pamamahala ng Britanya. Noong 1947, inanunsiyo ng Britanya ang pag-urong sa Mandato ng Palestina na naghahayag na hindi nito magawang dumating sa isang solusyon na katanggap-tanggap sa parehong mga Arabo at Hudyo. Noong Nobyembre 1947, tinanggap ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ang isang resolusyon na nagrerekomiyenda sa pagtanggap at pagpapatupad ng isang Plano ng Paghahati sa Unyong Ekonomiko. Ang Jewish Agency na kinikilalang kinatawan ng pamayanang Hudyo ay tumanggap sa plano ngunit ito ay itinakwil ng Ligang Arabo at Arab Higher Committee of Palestine. Noong 1 Disyembre 1947, ang Arab Higher Committee ay nagproklama ng tatlong araw na strike at ang mga bandang Arabo ay nagsimulang umatake sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo sa simula ay depensibo habang ang digmaang sibil ay sumisiklab ngunit unti unting naging opensibo. Ang ekonomiya ng Arabong Palestina ay gumuho at ang mga 250,000 Arabong Palestino ay lumikas o pinatalsik. Noong 14 Mayo 1948, bago ang pagtatapos ng Mandato ng Britanya, inihayag ni David Ben-Gurion, na pinuno ng Jewish Agency ang "pagkakatag ng isang estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel".

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Mercado, Michael (2007). Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. Araling Panlipunan Serye Aklat II. St. Bernadette Publishing Corporation. ISBN 978-971-621-448-2.
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Jew". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B6.
  3. "The oldest human groups in the Levant". Cat.inist.fr. 2004-09-13. Nakuha noong 2012-08-13.
  4. "Timeline in the Understanding of Neanderthals". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-07-13.
  5. Christopher Stringer, custodian of Tabun I, Natural History Museum, quoted in an exhibition in honour of Garrod; Callander and Smith, 1998
  6. "From 'small, dark and alive' to 'cripplingly shy': Dorothy Garrod as the first woman Professor at Cambridge". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-02-28. Nakuha noong 2007-07-13.
  7. "Excavations and Surveys (University of Haifa)". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-03-13. Nakuha noong 2007-07-13.
  8. Rendsberg, pp.3-5
  9. http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
  10. Bloch-Smith, pp.27,29,30
  11. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  12. 1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  13. Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  14. Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
  15. 15.0 15.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-10-15. Nakuha noong 2012-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  16. Ephraim Urbach The Sages
  17. 17.0 17.1 http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.