Mga Monggol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang mga Monggol (Monggolyano: Монгол Mongol) o mas tumpak na mga taong Monggoliko ay isang pangkat na etnolingguwistiko ng Gitnang Asya at Hilagang Asya. Bagaman ang pinakamalaking pangkat na Monggoliko ay ang ng Monggolya, naninirahan din sila bilang mga minorya sa kahabaan ng Hilagang Asya, kabilang na ang sa Rusya, Tsina, at marami sa dating mga estadong Sobyet. Ang mga taong Monggoliko na kabilang sa pangkat na etnikong Buryat ay maramihang naninirahan sa ngayon sa pangkasalukuyang mayroong awtonomiyang republika ng Buryatia, Rusya. Sa Tsina, pangunahin silang naninirahan sa Panloob na Monggolya o, mas mababa ang bilang sa pangkaraniwan, sa Xinjiang. Pinag-aanib-anib ang mga taong Monggoliko ng isang karaniwang kultura at wika, isang kapangkatan ng magkakaugnay na mga wika na nakikilala bilang mga wikang Monggoliko.

Kahulugan[baguhin]

Sa mga wikang Tunggusiko, ang pangalang Monggol ay may karaniwang kahulugang "ang mga hindi malulupig", "ang mga hindi matatalo (walang talo)" o "ang mga hindi masusupil". Sa malawak na kahulugan, ang kataga ay kinabibilangan ng talagang kumikilala sa kanilang mga sarili bilang talaga o tunay na mga Monggol (Mongol proper, na nakikilala bilang mga mga Monggol na Khalkha), ang mga Buryat, mga Oirat, mga Kalmyk ng silangang Europa, at mga Moghol (tribong Mughal). Sa ganitong diwa at mahigpit na kahulugan, ang mga Monggol ay maaaring hatiin sa dalawa: ang mga Monggol ng Silangan at ang mga Monggol ng Kanluran.

Ang designasyon o itinalagang katawagang "Monggol" ay maiksing lumitaw sa mga talaan noong ika-8 daantaon ng Intsik na dinastiya ng Tang, na naglalarawan ng isang tribo ng Shiwei, na isang maliit na tribo na noon ay nasa pook ng Ilog Onon. Muling lumitaw ang pangalang Monggol noong huli ng ika-11 daantaon noong panahon ng pamumuno ng Khitan. Pagkaraan ng pagbagsak ng dinastiya ng Liao noong 1125, ang mga Monggol ay naging isang nangungunang tribo sa kapatagan at nagkaroon din ng kapangyarihan sa Hilagang Tsina. Subalit, ang kanilang pakikidigma sa Dinastiya ng Jin at sa mga Tatar ang nakapagpahina sa kanila. Noong ika-13 daantaon, ang lumawak ang salitang Monggol upang maging isang katagang sumusukob o sumasaklaw sa isang malaking pangkat ng mga tribong Monggoliko na nagkaisa sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]



TaoKasaysayanAsya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Asya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.