Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan/gobyerno ng Pilipinas mula 4 Hulyo 1946 hanggang 21 Setyembre 1972 (Ang pinakamatagal na republika sa kasulukuyan, na tumagal ng 26 na taon, tagal na hindi pa narating ng kasalukuyang republika—ang ikalimang republika na 20 taon pa lamang ngayon) na nagsimula sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Martial Law. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ay masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito'y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya na rin ng kay Laurel (ang ikalawang republika) na binuo at kinilala lamang ng alyansang Axis (Hapon, Alemanya, Italia)habang hindi kinilalala ng mga ibang bansa.

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay base sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946). Ito'y inspirasyon ng mapanlinlang na "benevolent assimilation" na patakaran ng Amerika bilang transisyon ng Pilipinas mula direktang kolonya patungong kasarinlan. Itinadhana ang orihinal 1935 Saligang Batas para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan at nirebisa ito noong 1940 para bigyang-daan ang kongresong may dalawang kapulungan: Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan (Kamara de Representantes) at para baguhin din ang termino ng presidente. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo ng dalawang termino, ngunit isang Pagpupulong ng Saligang Batas (Constitutional Convention) ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsiyon. Marahil ang pinakakontrobersyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong taning. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang Saligang Batas ng 1935, na gaya nang nasabi, siyang naging katapusan ng Ikatlong Republika. Sa kabilang banda naman, isa pa sa pinakamalaking bagay na nagpabago sa 1935 Saligang Batas ay ang pasasalaksak ng tinatawag na "American Parity Rigths" na nagbigay sa mga Amerikano ng mga karapatang laan lamang sa mga Pilipino, laluna sa pagnenegosyo at paglilinang ng yamang-likas ng bansa. Ito daw ang pagtulong ng mga Amerikano sa Pilipino, ngunit ginawang monopolyo ng mga banyagang ito ang lahat ng negosyo sa Pilipinas, at sa mahabang panahon ay mga Amerikano (at Tsino) ang nagkontrol ng ekonomiya ng Pilipinas. Puro sila ang nag-may-ari ng karamihang kumpanya gaya ng sa elektrisidad, sa telekomunikasyon, kumpanya ng pagmimina and marami pang iba, kaya ang Pilipino na ang mga may-ari ng bansa ay sila ring nagtrabaho para sa mga banyagang nagnenegosyo.