Miriam Defensor–Santiago

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Miriam Defensor Santiago


Kasalukuyan
Panunungkulan
11 Marso 2012
Hinirang ni Pilipinas

Panunungkulan
20 Hulyo 1989 – 4 Enero 1990
Pangulo Corazon Aquino
Sinundan si Philip Ella Juico
Sinundan ni Florencio Abad

Senador ng Pilipinas
Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2004
Panunungkulan
30 Hunyo 1995 – 30 Hunyo 2001

Kapanganakan 15 Hunyo 1945 (1945-06-15) (edad 68)
Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Partidong politikal People's Reform Party
Asawa Narciso Santiago
Alma mater Unibersidad ng Pilipinas, Kabisayaan
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
University of Michigan, Ann Arbor
Maryhill School of Theology
Websayt Official website

Si Miriam Defensor Santiago (ipinanganak 15 Hunyo 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya ay isang abogado, dating hukom, at guro ng saligatang batas at batas internasyunal. Naglingkod siya bilang komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon ng Pilipinas noong 1988 at naging kalihim ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan mula 1989 hanggang 1991. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay komisyonado ng Kawanihan ng Pandarayuhan at Deportasyon.[1]

Tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas si Defensor Santiago noong 1992; nanguna siya sa pambansang bilangan ng mga boto noong unang mga araw ng bilangan, subalit natalo lamang ng ilang daang libong mga boto. Napaulat na nagkaroon ng malawakang dayaan sa halalan, lalo na ang madalas na pagkawala ng kuryente noong unang limang araw. Nagsampa siya ng protesta, na pinawalang-saysay noong 1995 nang tumakbo siyang muli bilang senador at nagwagi.[2]

Laging natatampok si Santiago sa pandaigdigang balitaan dahil sa kanyang tahas sa pananalita. Noong 1997, pinangalanan siya ng Australian Magazine bilang isa sa "The 100 Most Powerful Women in the World."

Kabataan at pag-aaral[baguhin]

Si Defensor-Santiago ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo kina District Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng highschool sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong abogasya.

Sa U.P., nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Dalawang beses ding siyang nakatanggap ng "Vinzonz Achievement Award for excellence in leadership". Kinilala din siya ng Rotary bilang "most outstanding graduate ng U.P."

Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Nagtapos siya bilang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bilang cum laude.

Sa larangan ng politika[baguhin]

Kumandidato si Defensor-Santiago sa pagka-pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay Fidel V. Ramos.Nakakuha siya ng malakas na suporta sa publiko.Di kagaya ng ilang partido na nire-renta lang ang kanilang mga manonood,Ang PRP(People's Reform Party) ni Miriam ay nakahatak ng napakaraming tao,at minsan,nung siya ay nagtatalumpati sa isang campaign rally ay bumagsak ang entablado dahil sa di nito nakayanang ang dami ng tao.Nanguna siya sa bilangan sa loob ng limang araw kasabay ng mga malawakang brownout,at pagkalipas nun ay naungusan siya ni Fidel Ramos.Natalo siya sa eleksiyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi siya naniwala sa resulta nito. Nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal batay sa diumanong maanomalyang resulta ng eleksiyon,bilang ebidensiya raw ay ang mga brownouts.

Noong Enero, 1992, nagkaroon din siya ng kaso sa korupsiyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial Court ng Maynila. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.

Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang nalalabing Tagapaglaban sa korupsiyon. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsiyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo siya parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.

Taong 1995, tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan, ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa "teknikal" na kadahilanang siya ay nanalong senador.Ilang-ulit siyang pinarangalang Pinakamahusay na senador at binansagang Queen of Expose' dahil sa kanyang matapang na pag-bubulgar ng mga diumano'y ilang maanomalyang proyekto ng pamahalaan,kung saan nadawit ang dating kalihim ng DILG Ronaldo Puno.

Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna nang kabilang siya sa 11 senador na bumoto laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating pangulong Joseph Estrada na humantong sa EDSA II na siyang nagpaalis kay Estrada.

Mga sanggunian[baguhin]

Mga kawing na panlabas[baguhin]